Ang Munting Prinsipe / Mały Książę — in Tagalog and Polish. Page 8

Tagalog-Polish bilingual book

Antoine de Saint Exupéry

Ang Munting Prinsipe

Antoine de Saint-Exupéry

Mały Książę

Ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko. Sinabi lang niya sa akin:

Nie odpowiedział mi na pytanie. Po prostu rzekł:

Mabuti rin siguro para sa puso ang tubig…”

— Woda może także przynieść korzyść sercu…

Hindi ko naintindihan ang kanyang sagot pero hindi ako umimik… Alam ko na hinding-hindi makapagtatanong sa kanya.

Nie zrozumiałem odpowiedzi, lecz mimo to zamilkłem. Wiedziałem dobrze, że nie należy zadawać mu pytań.

Pagod na siya. Naupo siya. Naupo naman ako sa tabi niya. At pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan ay sinabi niya:

Był zmęczony. Usiadł. Usiadłem obok niego. Po chwili milczenia powiedział jeszcze:

“Maganda ang mga bituin, dahil sa isang bulaklak na di nakikita…”

— Gwiazdy są piękne, ponieważ na jednej z nich istnieje kwiat, którego nie widać…

Sumagot ako, “Oo nga,” at walang imik kong tiningnan ang mga pileges ng buhangin sa liwanag ng buwan.

Odpowiedziałem:
— Oczywiście — i w milczeniu patrzyłem na wydmy piasku w poświacie księżyca.

“Maganda ang disyerto,” idinagdag niya.

— Pustynia jest piękna — dorzucił.

Totoo ’yon. Napamahal nang lagi sa akin ang disyerto. Makauupo sa isang burol ng buhangin. Walang anumang makikita. Walang anumang maririnig. Ngunit may kung anong nagniningning pa rin sa katahimikan…

To prawda. Zawsze kochałem pustynię. Można usiąść na wydmie. Nic nie widać. Nic nie słychać. Ale mimo to coś promieniuje w ciszy…

“Maganda ang disyerto,” sinabi ng munting prinsipe, “dahil may itinatago itong isang balon kung saan…”

— Pustynię upiększa to — powiedział Mały Książę — że gdzieś w sobie kryje studnię…

Nagulat ako sa biglang pagkaunawa sa mahiwagang ningning na ’yon ng buhangin. Noong maliit pa ako, nakatira ako sa isang lumang bahay at ayon sa mga kuwento e may kayamanan daw na nakabaon doon. Walang sinuman s’yempre ang nakakita rito, o maaari rin namang walang naghanap dito. Ngunit naging mahiwaga ang buong bahay na ’yon dahil dito. May itinatagong lihim ang tahanan ko sa kaibuturan ng puso nito…

Nagle ze zdziwieniem zrozumiałem to tajemnicze promieniowanie piasku. Gdy byłem małym chłopcem, mieszkałem w starym domu, do którego przywiązana była legenda o ukrytym skarbie. Oczywiście nikt skarbu nie znalazł, a może nawet nie szukał go. Lecz on rzucał czar na dom. Mój dom ukrywał w sobie tajemnicę…

“Oo,” sabi ko sa munting prinsipe, “tungkol sa bahay, mga bituin, o disyerto — hindi kita ng mata ang nagpapaganda sa mga ito!”

— Tak — powiedziałem Małemu Księciu — to, co upiększa dom czy gwiazdy, czy pustynie jest niewidzialne.

“Nasisiyahan ako,” sabi niya, “dahil sang-ayon ka sa aking alamid.”

— Jestem zadowolony — powiedział — że zgadzasz się z moim lisem.

Nakatulog ang munting prinsipe kaya kinalong ko siya at nagpatuloy ako sa paglakad. Nahahabag ako sa kanya. Pakiramdam ko’y may dala akong isang babasaging kayamanan. Pakiramdam ko ri’y wala nang mas babasagin pa sa Lupa.

Ponieważ Mały Książę był senny, wziąłem go na ręce i poszedłem dalej. Byłem wzruszony. Wydawało mi się, że niosę kruchy skarb. Wydawało mi się nawet, że na Ziemi nie istnieje nic bardziej nietrwałego.

Tiningnan ko sa liwanag ng buwan ang maputlang noong ’yon, ang nakapakit na mga matang ’yon, ang mga bungkos na ’yon ng buhok ng gumagalaw-galaw sa hangin, at sinabi ko sa aking sarili “Balat lamang ang nakikita ko. Hindi kita ng mata ang pinakamahalaga.”

W świetle księżyca patrzyłem na blade czoło, na zamknięte oczy, na pukle włosów poruszane wiatrem i mówiłem sobie, że to, co widzę, jest tylko zewnętrzną powłoką. Najważniejsze jest niewidoczne.

Nagsimulang ngumiti ang kanyang mga labi na bahagyang nakabukas, at sinabi ko sa aking sarili: “Lubos na napapalapit ang loob ko sa natutulog na munting prinsipeng ito dahil sa katapatan n’ya sa isang bulaklak — ang larawan ng isang rosas na nagniningning sa kanyang kalooban na parang ningas ng isang ilawan, kahit na tulog s’ya…” At nadama kong mas mahina pa nga siyang lalo. Kailangang ingatan ang mga ilawan: maaaring mamatay ang sindi ng mga ito sa isang ihip lamang ng hangin…

Ponieważ półotwarte wargi uśmiechały się leciutko, powiedziałem sobie jeszcze: „To, co mnie wzrusza najmocniej w tym małym śpiącym królewiczu, to jego wierność dla kwiatu, to obraz róży, który świeci w nim jak płomień lampy nawet podczas snu”. I wydał mi się jeszcze bardziej kruchy. Byle podmuch wiatru może zgasić lampę — trzeba dobrze uważać.

At sa paglakad na ’yon, natagpuan ko ang balon, sa pagbubukanliwayway.

I tak idąc, o świcie odnalazłem studnię.

XXV

ROZDZIAŁ 25

Sumasakay ang mga tao sa mga ekspres na tren,” sabi ng munting prinsipe, “pero hindi nila alam kung ano ang kanilang hinahanap. Kaya nagkakagulo sila at nagpapaikut-ikot…”

— Ludzie tłoczą się w pociągach — powiedział Mały Książę — nie wiedząc, czego szukają. Dlatego są podnieceni i kręcą się w kółko…

At idinagdag niya:

A potem dorzucił:

“Bale-wala ito…”

— Nie warto…

Hindi katulad ng mga balon sa disyerto ng Sahara ang balon na natagpuan namin. Basta lamang hinukay na mga butas sa buhangin ang mga balon sa Sahara. Katulad naman ang balong ito ng isang balon sa baryo. Pero walang anumang baryo dito at akala ko’y nananaginip ako.

Studnia, którą znaleźliśmy, nie przypominała zupełnie studni saharyjskich. Studnie saharyjskie są po prostu dziurami wykopanymi w piasku. Ta natomiast przypominała wiejską studnię. Lecz nigdzie nie było wioski. Zdawało mi się, że śnię.

“Kataka-taka ’to,” sinabi ko sa munting prinsipe, “handa na ang lahat: ang kalo, ang timba, ang lubid…”

— To zadziwiające — powiedziałem do Małego Księcia — wszystko jest przygotowane: blok, lina i wiadro…

Tumawa siya, hinawakan ang lubid at priagalaw ang kalo. At lumangitngit ang kalo tulad ng paglangitngit ng isang lumang instrumentong panturo sa direksyon ng hangin kapag matagal na di umiihip ang hangin.

Zaśmiał się, chwycił linę, puścił blok w ruch. Blok jęknął, zazgrzytał jak stara chorągiewka na dachu po długotrwałym bezruchu.

“Naririnig mo,” sinabi ng munting prinsipe, “ginigising natin ang balong ito, at kumakanta s’ya…”

— Słuchaj, obudziliśmy studnię i ona śpiewa…

Ayaw ko siyang magpakahirap.

Nie chciałem, aby się męczył.

“Ako na,” sinabi ko sa kanya, “napakabigat nito para sa ’yo.”

— Pozwól mi, to za ciężkie dla ciebie.

Dahan-dahan kong hinila pataas ang timba, at ipinatong ko itong mabuti sa gilid ng balon. Nasa mga tainga ko pa ang awit ng kalo, at sa tubig na gumalaw-galaw pa ay nakita ko namang pinagagalaw nito ang araw.

Powoli wyciągałem wiadro aż do cembrowiny, Postawiłem je równo. W uszach dźwięczał mi śpiew bloku, a w falującej jeszcze wodzie widziałem drgające słońce.

“Nauuhaw ako sa tubig na ito,” sabi ng munting prinsipe. “Bigyan mo ’ko ng maiinom…”

— Chcę napić się tej wody — powiedział Mały Książę — daj mi…

At naintindihan ko kung ano ang kanyang hinahanap!

Zrozumiałem już, czego szukał.

Binuhat ko ang timba hanggang sa kanyang mga labi. Pikit-mata siyang uminom. Sintamis ito ng isang piyesta. Hindi nga lamang inumin ang tubig na ito. Bunga ito ng paglakad sa ilalim ng mga bituin, ng awit ng kalo, ng hirap ng aking mga bisig. Nakabuti ito sa puso, gaya ng isang regalo.

Podniosłem wiadro do jego warg. Pił, mając oczy zamknięte. To było tak piękne jak święto. To było czymś więcej niż pożywieniem. Ta woda zrodzona była z marszu pod gwiazdami, ze śpiewu bloku, z wysiłku mych ramion. Sprawiała radość sercu — jak podarek.

Noong maliit pa ako, ang ilaw ng krismas tri, ang mga tugtugin sa misa sa hatinggabi, ang tamis ng mga ngiti — ang mga ito ang lubos na nagbibigay-ningning sa mga pamaskong regalong tinatanggap ko.

Świeczki na choince, muzyka na Pasterce oraz słodkie uśmiechy opromieniały prezenty, jakie otrzymywałem na Boże Narodzenie, gdy byłem małym chłopcem.

“Nag-aalaga ng limanlibong rosas sa iisang hardin lamang ang mga tao sa inyo…” sabi ng munting prinsipe, “at hindi naman nila matagpuan ang kanilang hinahanap…”

— Ludzie z twojej planety — powiedział Mały Książę — hodują pięć tysięcy róż w jednym ogrodzie… i nie znajdują w nich tego, czego szukają…

“Hindi nila matagpuan,” sumagot ako…

— Nie znajdują — odpowiedziałem.

“Pero puwedeng matagpuan sa iisang rosas lamang o sa kaunting tubig ang kanilang hinahanap…”

— A tymczasem to, czego szukają, może być ukryte w jednej róży lub w odrobinie wody…

“Totoo nga,” sumagot ako.

— Oczywiście — odpowiedziałem.

At idinagdag ng munting prinsipe:

Mały Książę dorzucił:

“Pero bulag ang mga mata. Sa pamamagitan ng puso kailangang maghanap.”

— Lecz oczy są ślepe. Szukać należy sercem.

Uminom na ako. Nakahinga ako nang magaan. Kulay ng pulut-pukyutan ang buhangin sa pagbubukanliwayway. Masaya ako dahil sa kulay na ito ng pulutpukyutan. Pero bakit mabigat pa rin ang loob ko…

Napiłem się. Oddychałem głęboko. O wschodzie słońca piasek jest koloru miodu. Cieszyłem się tym kolorem miodu. I jak mogłem przypuszczać, że oczekiwało mnie cierpienie…

“Dapat kang tumupad sa ’yong pangako,” marahang sabi sa akin ng munting prinsipe na muling naupo sa tabi ko.

— Powinieneś dotrzymać obietnicy — powiedział cichutko Mały Książę. Siedliśmy znów razem.

“Anong pangako?”

— Jakiej obietnicy?

“Alam mo na… isang busal para sa ’king tupa… pananagutan ko ang bulaklak na ’yon!”

— Widzisz… kaganiec dla baranka… Jestem odpowiedzialny za mój kwiat!

Kinuha ko sa aking bulsa ang mga sinubukan kong idrowing. Nakita ng munting prinsipe ang mga ’yon at tumatawang sinabi niya:

Wyciągnąłem z kieszeni moje szkice. Mały Książę zauważył je i śmiejąc się powiedział:

“Medyo parang mga repolyo naman ang mga baobab mo…”

— Twoje baobaby przypominają trochę główki kapusty…

“Oh!”
Ipinagmamalaki ko pa naman ang mga baobab!

— Och!
Byłem tak dumny z tych baobabów.

“Ang alamid mo… ang kanyang mga tainga… medyo parang mga sungay at ang hahaba pa!”

— Twój lis… z takimi uszami, które przypominają rogi… Są za długie!

At tumawa pa rin siya.

I śmiał się dalej.

“Ang ‘lupit’ mo naman, munti kong tao, wala akong alam idrowing kundi mga sawang nakasara at mga sawang nakabukas.”

— Jesteś niesprawiedliwy, mały przyjacielu, mówiłem, że poza wężem boa, zamkniętym i otwartym, nigdy nie umiałem nic rysować.

“Oh! ayos na ’yan,” sinabi niya. “Nakakaintindi ang mga bata.”

— Och, twoje rysunki nie są takie złe — pocieszał — dzieci poznają się na nich.

Kaya nagdrowing ako ng isang busal. At sumikip ang puso ko nang ibinigay ko iyon sa kanya.

Narysowałem kaganiec. Ścisnęło mi się serce, kiedy mu go pokazywałem.

“May mga balak ka na hindi ko alam…”

— Masz plany, których nie znam…

Ngunit hindi siya sumagot.

Nie odpowiedział mi na pytanie.

Sinabi niya:
“Alam mo, ang pagbaba ko sa Lupa… bukas ang anibersaryo…”

— Wiesz… mój przyjazd na Ziemię… jutro jest rocznica… — powiedział.

Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, sinabi pa niya:

I po chwili milczenia dodał:

“Napakalapit dito ng binabaan ko…”

— Spadłem niedaleko stąd…

At namula siya.

I poczerwieniał.

At muli akong nakadama ng kakaibang pagkabagabag, hindi ko maintindihan kung bakit.

Znowu z niewiadomych przyczyn zrobiło mi się dziwnie smutno.

Ngunit may tanong na nabuo sa aking isipan:
“Kaya hindi nagkataon lamang na naglalakad kang tulad nito, nag-iisa, na libong kilometro ang layo mula sa lahat ng lugar na tirahan ng mga tao, nang umagang makilala kita, may walong araw na ang nakalilipas. Pabalik ka ba sa lugar na binabaan mo?”

Postanowiłem go o coś zapytać.
— Więc to nie przez przypadek przechadzałeś się tutaj samotnie, o tysiąc mil od zamieszkałych terenów, kiedy poznałem cię osiem dni temu? Powróciłem na miejsce, na które spadłeś?

Muling namula ang munting prinsipe.

Mały Książę poczerwieniał jeszcze bardziej.

At idinagdag ko na medyo nagdadalawang-isip:

Wahając się dorzuciłem:

“Dahil kaya sa anibersaryo?…”

— A może z powodu rocznicy?

Muli na namang namula ang munting prinsipe. Hinding-hindi niya sinasagot ang mga tanong pero kapag namumula ang sinuman, “oo” ang ibig sabihin n’yon, di ba?

Mały Książę znowu zaczerwienił się. Nigdy nie odpowiadał na pytania, ale kiedy się ktoś rumieni, to jakby mówił „tak”, prawda?

“Ah!” sinabi ko sa kanya, “May pangamba akong…”

— Wiesz — powiedziałem mu — boję się…

Ngunit sumagot siya:

Tym razem odpowiedział mi:

“Dapat kang magtrabaho ngayon. Dapat mong balikan ang ’yong makina. Hihintayin naman kita dito. Bumalik ka bukas ng hapon…”

— Musisz teraz pracować. Musisz iść do twojej maszyny. Będę tu czekał na ciebie. Wróć jutro wieczorem…

Ngunit hindi ako mapalagay. Naalala ko ang alamid. May panganib na medyo lumuha ang sinuman kung hahayaan niyang paamuin siya…

Nie uspokoiło mnie to. Przypomniała mi się historia lisa. Decyzja oswojenia niesie w sobie ryzyko łez.

XXVI

ROZDZIAŁ 26

Nasa may tabi ng balon ang guho ng isang lumang pader na bato. Kinahapunan ng sumunod na araw, pagkagaling ko sa aking gawain, nakita ko mula sa malayo ang aking munting prinsipe na nakaupo sa ibabaw ng pader, na nakalawit ang mga paa. At narinig ko siyang nagsalita:

Obok studni znajdowały się ruiny starego kamiennego muru. Gdy wracałem następnego wieczora od pracy, z daleka zauważyłem Małego Księcia siedzącego na murze, ze zwieszonymi nogami. Słyszałem jak mówił:

“Hindi mo ba natatandaan?” sabi niya. “Hindi dito ang eksaktong lugar!”

— Więc nic sobie nie przypominasz?… Miejsce niezupełnie się zgadza…

May boses sigurong sumagot sa kanya dahil sumagot siya:

Ktoś mu na pewno odpowiadał, ponieważ znów posłyszałem jego głos:

“Oo! Oo! Ito nga ang araw pero hindi ito ang lugar…”

— Ależ na pewno! Data się zgadza, lecz miejsce nie…

Patuloy akong naglakad palapit sa pader. Wala akong nakitang sinuman o narinig. Ngunit muli na namang sumagot ang munting prinsipe:

Zbliżałem się do muru. Przyspieszyłem kroku. Ciągle jeszcze nikogo nie widziałem ani nic nie słyszałem. Tylko Mały Książę znowu komuś odpowiadał:

“… Oo nga. Makikita mo kung saan nagsisimula ang aking bakas sa buhangin. Wala kang ibang gagawin kundi hintayin ako roon. Naroon ako mamayang gabi.”

— Oczywiście. Zobaczysz, gdzie zaczyna się mój ślad na piasku. Poczekasz tam na mnie. Będę tej nocy.

Dalawang metro ang layo ko sa pader at wala pa rin akong nakitang sinuman.

Byłem o dwadzieścia metrów od muru, jednakże w dalszym ciągu nic nie widziałem.

Sandaling tumahimik ang munting prinsipe at saka niya sinabi:

Po chwili ciszy Mały Książę dorzucił:

“Mabuti ba ang kamandag mo? Sigurado mo bang hindi ako nito papaghihirapin nang matagal?”

— Czy masz dobry jad? Czy jesteś pewna, że nie będę długo cierpiał?

Himinto ako, nagsikip ang aking puso ngunit hindi ko pa rin naunawaan.

Zatrzymałem się ze ściśniętym sercem, lecz ciągle jeszcze nic nie rozumiałem.

“Ngayon, umalis ka na,” sinabi niya… “Gusto kong bumaba!”

— Teraz idź sobie — powiedział — chcę zejść!

Napatingin ako sa ibaba ng pader at bigla akong umigtad! Naroon siya — nakatayo sa harap ng munting prinsipe ang isang ahas na dilaw na kayang pumatay sa loob ng tatlumpung segundo.

Spuściłem wzrok do podnóża muru i aż podskoczyłem. W kierunku Małego Księcia wyciągała się jedna z tych żółtych żmij, których jad zabija w ciągu trzydziestu sekund.

Tumakbo ako, kinapkap ko ang baril sa aking bulsa. Ngunit sa ingay na nagawa ko, marahang lumubog ang ahas sa buhangin gaya ng nanghihinang tilamsik ng tubig. At nakalusot siya sa gitna ng mga bato nang walang anumang pagmamadali, nang may mahinang ingay ng metal.

Podbiegłem, szukając rewolweru w kieszeni, lecz na odgłos mych kroków żmija wolno osunęła się na piasek i nie spiesząc, jak zamierający strumień wody, z metalicznym chrzęstem wśliznęła się między kamienie.

Tamang-tama naman ang pagdating ko sa may pader para sambutin sa aking mga bisig ang munti kong prinsipe na namumutlang gaya ng isnow.

Doskoczyłem do muru i chwyciłem w ramiona Małego Księcia, bladego jak śnieg.

“Ano namang pangyayari ito! Nakikipag-usap ka naman ngayon sa mga ahas!”

— Cóż to za historia? Rozmawiasz teraz ze żmijami?

Niluwagan ko ang iskarp na kulay-ginto na lagi niyang suot. Binasâ ko ang mga sentido niya at pinainom. At ngayon, wala na akong lakas ng loob pang magtanong sa kanya. Tinitigan niya ako at niyakap ng kanyang mga braso ang aking leeg. Naramdaman kong tumitibok ang kanyang puso tulad ng puso ng isang nabaril na ibon na naghihingalo. Sinabi niya sa akin:

Zdjąłem z jego szyi złoty szalik. Zwilżyłem mu skronie i napoiłem go. Nie śmiałem go o nic pytać. Popatrzył na mnie z powagą i objął mnie ramionami. Czułem bicie jego serca, tętniącego podobnie jak serce zranionego ptaka. Powiedział:

“Masaya ako at nakita mo na kung ano ang kailangan sa ’yong makina. Makauuwi ka na…”

— Jestem zadowolony, że udało ci się naprawić samolot. Będziesz mógł powrócić do siebie.

“Paano mo nalaman?”

— Skąd wiesz?

Balak ko pa lamang sabihin sa kanya na nagtagumpay ako sa aking gawain na salungat sa lahat kong inaasahan!

Właśnie miałem zamiar mu powiedzieć, że mimo wszystko udało mi się naprawić motor.

Hindi niya sinagot ang tanong ko ngunit idinagdag niya:

Nie odpowiedział na moje pytanie, lecz rzekł:

“Ako man, uuwi rin ako ngayon…”

— Ja także dzisiaj wracam do siebie…

At mabigat ang loob:

A po chwili, pełen smutku, ciągnął:

“Talaga ngang mas malayo… mas mahirap nga itong talaga…”

— To znacznie dalej… i znacznie trudniej…

Naliwanagan ko na may nangyayaring kung anong di-pangkaraniwan. Niyakap ko siya na parang isang maliit na bata ngunit pakiramdam ko’y para siyang lumulubog pabulusok sa kalaliman at wala akong anumang magagawa para pigilan siya…

Czułem, że dzieje się coś niezwykłego. Ściskałem go mocno w ramionach, lecz mimo to wydawało mi się, że zsuwa się pionowo w przepaść, z której nie będę mógł go wyciągnąć…

Mabigat ang kanyang tingin na parang naligaw sa napakalayo.

Wzrok miał poważny, zagubiony w dali.

“Meron akong tupa mo. At meron akong kahon para sa tupa at meron ding busal…”

— Mam twojego baranka. I mam skrzynkę dla niego… I mam kaganiec…

At ngumiti siya na mabigat ang loob.

Uśmiechnął się smutno.

Matagal pa akong naghintay. Naramdaman kong unti-unti na siyang umiinit.

Długo czekałem. Wyczuwałem, że powoli ożywia się.

“Mabait na munting tao, natakot ka…”

— Mały przyjacielu, bałeś się…

Natakot siya s’yempre! Ngunit malumanay siyang tumawa:

Bał się, na pewno. Zaśmiał się cichutko:

“Mas matatakot pa ako ngayong gabi…”

— Dzisiejszego wieczoru będę się bał znacznie bardziej…

Muli akong pinapanlamig sa pagkadama ng kung anong di malulunasan. At alam ko na hindi ko magagawang isipin na hinding-hindi ko na maririnig pa ang tawang ’yon. Para sa aki’y tulad ’yon ng isang bukal sa disyerto.

I znowu zmroziło mnie przeczucie czegoś nieodwołalnego. Nie słyszeć więcej jego śmiechu ta myśl mnie zadręczała. Ten śmiech był dla mnie jak studnia na pustyni.

Advertisement