Ang Munting Prinsipe / Mały Książę — in Tagalog and Polish. Page 5

Tagalog-Polish bilingual book

Antoine de Saint Exupéry

Ang Munting Prinsipe

Antoine de Saint-Exupéry

Mały Książę

“Kung gayon, sa akin sila dahil ako ang unang nakaisip nito.”

— Wobec tego są moje, ponieważ pierwszy o tym pomyślałem.

“Gayon lang?”

— Czy to wystarcza?

“S’yempre. Kung makakita ka ng isang diyamanteng walang may-ari, sa ’yo na ’to. Kung makakita ka ng isang islang walang may-ari, sa ’yo na ’to. Kung ikaw ang unang nakaisip ng isang ideya, ipapatente mo ito at sa ’yo na ’to. Kaya ako ang nag-aari sa mga bituin dahil walang iba kundi ako ang nakaisip ariin sila.”

— Oczywiście. Jeśli znajdziesz diament, który jest niczyj, należy on do ciebie. Jeśli odkryjesz wyspę, która nie należy do nikogo, jest twoja. Jeśli zrobisz wynalazek i opatentujesz go, jest twój. Ja mam gwiazdy, ponieważ nikt przede mną nie pomyślał o tym, żeby je zagarnąć.

“Totoo nga ano…” sabi ng munting prinsipe. “E, ano’ng ginagawa mo sa kanila?”

— To prawda — rzekł Mały Książę. — A co robisz z nimi?

“Ako ang manedyer nila. Binibilang ko sila at binibilang pa uli,” sabi ng negosyante. “Mahirap ito. Pero seryosong tao ako!”

— Zarządzam. Liczę je i przeliczam — powiedział Bankier. — To bardzo trudne. Lecz jestem człowiekiem poważnym.

Hindi pa rin kumbinsido ang munting prinsipe.

Mały Książę nie był jeszcze zadowolony.

“Ako, kung meron akong isang iskarp, puwede ko ’tong ibalabal sa ’king leeg at dalhin. Ako, kung meron akong isang bulaklak, puwede kong pitasin ang aking bulaklak at dalhin. Pero hindi mo naman mapipitas ang mga bituin!”

— Jeśli mam szal, to mogę owinąć nim szyję i zabrać go ze sobą. Jeśli mam kwiat, mogę go zerwać i zabrać ze sobą. A ty nie możesz zrywać gwiazd.

“Hindi nga, pero puwede ko namang ilagay ang mga ito sa bangko.”

— Nie, lecz mogę je umieścić w banku.

“Ano naman ang ibig sabihin n’yon?”

— Co to znaczy?

“Ibig sabihin n’yon e isinusulat ko sa kapirasong papel ang bilang ng aking mga bituin. At pagkatapos ay sinususian ko ang papel na ito sa loob ng isang drower.”

— To znaczy, że ilość mych gwiazd zapisuję na kawałku papieru. Następnie zamykam ten papier na klucz w szufladzie.

“’Yon lang ba?”

— I to wszystko?

“Sapat na ’yon!”

— To wystarczy.

“Nakakalibang ito,” inisip ng munting prinsipe. “Medyo matulain ito pero hindi naman talagang seryoso.”

„To zabawne — pomyślał Mały Książę. — To poetyczne. Ale to nie jest zbyt poważne.”

Ibang-iba ang mga ideya ng munting prinsipe tungkol sa mga seryosong bagay kaysa mga ideya ng matatanda.

Mały Książę miał zupełnie inne pojęcie o rzeczach poważnych, niż mają dorośli.

“Meron akong isang bulaklak na dinidilig ko araw-araw,” sinabi pa ng munting prinsipe. “Meron akong tatlong bulkan na nililinis ko linggu-linggo. Sapagkat nililinis ko rin pati ang patay na bulkan. Walang nakaaalam. Kapaki-pakinabang para sa mga bulkan ko at kapaki-pakinabang para sa aking bulaklak na pag-aari ko sila. Pero ikaw, walang pakinabang sa ’yo ang mga bituin.”

— Ja — dorzucił jeszcze — posiadam kwiat, który podlewam codziennie. Posiadam trzy wulkany, które przeczyszczam co tydzień. Przeczyszczam także wulkan wygasły. Nigdy nic nie wiadomo. Jestem pożyteczny dla wulkanów, które posiadam, dla kwiatu, który jest mój. A jaką korzyść mają z ciebie gwiazdy?

Nagbukas ng bibig ang negosyante pero wala siyang mahagilap na salita para isagot, at umalis ang munting prinsipe.

Bankier otworzył usta, lecz nie znalazł odpowiedzi, więc Mały Książę ruszył w dalszą drogę.

“Talaga ngang napakaekstraordinaryo ng matatanda,” ang simpleng sabi niya sa kanyang sarili sa kanyang paglalakbay.

„Dorośli są jednak nadzwyczajni” — powiedział sobie po prostu podczas dalszej podróży.

XIV

ROZDZIAŁ 14

Kakaibang-kakaiba ang ikalimang planeta. Pinakamaliit ito sa lahat. Tamang-tama lang ang lugar para sa isang ilaw sa kalye at isang tagasindi ng ilaw.

Piąta planeta była bardzo interesująca. Była najmniejsza ze wszystkich. Była tak mała, że zaledwie starczyło na niej miejsca na lampę uliczną i Latarnika.

Hindi maipaliwanag ng munting prinsipe kung ano ang silbi n’yon sa kung anong parte ng langit sa isang planetang wala namang bahay ni naninirahan — isang ilaw sa kalye at isang tagasindi ng ilaw. Ngunit sinabi pa rin niya sa kanyang sarili:

Mały Książę nie umiał sobie wytłumaczyć, do czego może służyć uliczna latarnia i Latarnik gdzieś we wszechświecie, na małej planetce pozbawionej domów i ludności. Jednak powiedział sobie:

“Ang labo siguro ng taong ito. Pero hindi naman s’ya kasinlabo ng hari, ng hambog na tao, ng negosyante at ng lasenggo. May kahulugan kahit paano ang kanyang trabaho. Pag sinisindihan n’ya ang kanyang ilaw, parang nagbibigay-buhay siya sa isa pang bituin o isang bulaklak. Pag pinapatay naman n’ya ang kanyang ilaw, pinatutulog n’ya ang bulaklak o bituin. Napakagandang trabaho ito. Talaga ngang kapakipakinabang dahil maganda ito.”

„Możliwe, iż ten człowiek jest niedorzeczny. Ale on jest mniej niedorzeczny niż Król, Próżny, Bankier i Pijak. Jego praca jest przynajmniej pożyteczna. Gdy zapala lampę, to tak jakby stwarzał jeszcze jedną nową gwiazdę lub kwiat. Gdy gasi lampę, to tak jakby usypiał gwiazdę lub kwiat. To bardzo ładne zajęcie. To rzeczywiście jest pożyteczne, ponieważ jest ładne.”

Nang dumating siya sa planeta, magalang niyang kinumusta ang tagasindi:

Natychmiast po wylądowaniu Mały Książę ukłonił się z szacunkiem Latarnikowi.

“Magandang umaga. Ba’t mo pinatay ang ’yong ilaw?”

— Dzień dobry. Dlaczego przed chwilą zgasiłeś swą lampę?

“’Yon ang utos,” sumagot ang tagasindi. “Magandang umaga.”

— Taki rozkaz — odpowiedział Latarnik. — Dzień dobry.

“Anong utos?”

— Cóż to znaczy rozkaz?

“Na patayin ang aking ilaw. Magandang gabi.”

— Rozkaz gaszenia lampy. Dobry wieczór.

At muli niyang sinindihan ang ilaw.

Zapalił lampę.

“Pero ba’t mo sinindihan uli?”

— Dlaczego zapaliłeś?

“’Yon ang utos,” sagot ng tagasindi.

— Taki jest rozkaz — odpowiedział Latarnik.

“Hindi ko maintindihan,” sabi ng munting prinsipe.

— Nie rozumiem — rzekł Mały Książę.

“Walang kailangang intindihin,” sabi ng tagasindi. “Ang utos ay utos. Magandang umaga.”

— Nic tu nie ma do rozumienia. Rozkaz jest rozkazem. Dzień dobry.

At pinatay niya ang kanyang ilaw.

Zgasił lampę.

Pagkatapos ay pinunasan niya ang kanyang noo ng isang panyong may pulang kuwadra-kuwadrado.

Następnie otarł sobie czoło chustką w czerwoną kratę.

“Napakahirap ng gawain ko. Dati’y may dahilan ito. Pinapatay ko ang ilaw sa umaga at sinisindihan naman sa gabi. Akin ang nalalabing panahon sa maghapon para magpahinga at sa magdamag naman para matulog…”

— Mam straszną pracę. Kiedyś miała ona sens. Gasiłem latarnię rano, a zapalałem wieczorem. W dzień mogłem odpoczywać, a w nocy spałem…

“At nabago ba ang utos mula noon?”

— A czy teraz zmienił się rozkaz?

“Hindi nababago ang utos,” sinabi ng tagasindi. “Ito nga ang malungkot na pangyayari! Pabilis nang pabilis ang ikot ng planeta taun-taon, at hindi nagbabago ang utos!”

— Rozkaz się nie zmienił. Na tym polega tragizm sytuacji. Z roku na rok planeta obraca się szybciej, a rozkaz się nie zmienia.

“Kaya?” sabi ng munting prinsipe.

— Więc? — spytał Mały Książę.

“Kaya ngayong umiikot ito minu-minuto, wala ako ni isang saglit na pahinga. Sinisindihan ko ito at pinapatay minu-minuto!”

— Więc dzisiaj, gdy planeta robi obrót w ciągu minuty, nie mam chwili odpoczynku. W ciągu każdej minuty muszę zapalić latarnię i zgasić ją!

“Nakakatawa ito! Tumatagal lang ng isang minuto ang mga araw dito sa lugar mo!”

— U ciebie dzień trwa jedną minutę! Jakie to zabawne!

“Walang nakakatawa dito,” sinabi ng tagasindi. “Isang buwan na ang lumipas habang nag-uusap tayo.”

— To wcale nie jest zabawne — powiedział Latarnik. — Już minął miesiąc, odkąd rozmawiamy.

“Isang buwan?”

— Miesiąc?

“Oo, Tatlumpung minuto. Tatlumpung araw! Magandang gabi.”

— Tak. Trzydzieści minut — trzydzieści dni. Dobranoc.

At muli niyang sinindihan ang kanyang ilaw.

Zapalił lampę.

Tiningnan siya ng munting prinsipe, at minahal niya ang tagasindi na ganoon katapat sa utos.

Mały Książę przyjrzał się Latarnikowi i poczuł sympatię dla tego człowieka, który tak wiernie wypełniał rozkaz.

Naalaala niya ang mga paglubog ng araw na dati’y hinahanap niya mismo sa paglilipat lamang ng kanyang silya. Gusto niyang tulungan ang kanyang kaibigan:

Przypomniał sobie zachody słońca na własnej planecie, kiedy podziwiał je wciąż na nowo, przesuwając tylko krzesełko. Chciał pomóc swemu przyjacielowi.

“Alam mo… may alam akong paraan para makapagpahinga ka pag gusto mo…”

— Czy wiesz… Znam sposób, dzięki któremu mógłbyś w dowolnej chwili odpocząć.

“Lagi ko ngang gusto,” sinabi ng tagasindi.

— Zawsze chciałby odpoczywać — odrzekł Latarnik.

Dahil maaaring kapwa maging tapat at tamad ang isa.

Bowiem można być jednocześnie obowiązkowym i leniwym.

Nagpatuloy ang munting prinsipe:
“Napakaliit ng ’yong planeta kaya malilibot mo ito sa tatlong hakbang lang. Kailangan mo lang maglakad nang dahan-dahan para laging nasa sikat ng araw. Pag gusto mo namang magpahinga, maglakad ka… at tatagal ang maghapon ayon sa gusto mo.”

— Twoja planeta jest tak mała, ze trzema krokami możesz ją okrążyć. Wystarczy, abyś szedł powoli i stale był w świetle słońca. Gdy zechcesz odpocząć, będziesz szedł przed siebie i dzień będzie trwać tak długo, jak długo zechcesz.

“Hindi na ito mapabubuti,” sinabi ng tagasindi. “Ang matulog ang pinakagusto ko sa buhay.”

— Niewiele mi to da — powiedział Latarnik — najbardziej lubię spać.

“Napakamalas naman,” sabi ng munting prinsipe.

— Szkoda — powiedział Mały Książę.

“Napakamalas,” sinabi ng tagasindi. “Magandang umaga.”

— Szkoda — powiedział Latarnik. — Dzień dobry.

At pinatay niya ang kanyang ilaw.

I zgasił lampę.

“Ang taong ito,” sinabi ng munting prinsipe sa kanyang sarili sa pagpapatuloy niya sa kanyang paglalakbay, “hahamakin ang taong ito ng lahat ng iba pa, ng hari, ng hambog na tao, ng lasenggo, ng negosyante. Pero s’ya lamang sa tingin ko ang hindi katawa-tawa. Dahil siguro sa ibang bagay ang iniisip niya at di ang kanyang sarili.”

Podczas dalszej podróży Mały Książę powiedział sobie:
„Tym człowiekiem pogardzaliby wszyscy, i Król, i Próżny, i Pijak, i Bankier. Mimo to on jeden nie wydaje mi się śmieszny. A to prawdopodobnie dlatego, że nie zajmuje się tylko sobą.”

Nagbuntung-hininga siya na parang nanghihinayang at sinabi niya sa kanyang sarili:

Westchnął z żalu i mówił sobie jeszcze:

“S’ya lang ang puwede kong maging kaibigan. Pero napakaliit ngang talaga ng kanyang planeta. Walang lugar para sa dalawa…”

„Tylko ten człowiek mógłby być moim przyjacielem. Lecz jego planeta jest rzeczywiście za mała. Nie ma miejsca dla dwóch…”

Hindi magawang aminin ng munting prinsipe na pinanghihinayangan niya ang pinagpalang planetang ito sa kanyang pag-alis dahil sa sanlibo’t apatnaraa’t apatnapung paglubog ng araw tuwing dalawampu’t apat na oras!

Mały Książę nie chciał się przyznać, że tym, co najbardziej pociągało go w tej błogosławionej planecie, było przede wszystkim tysiąc czterysta czterdzieści zachodów słońca w ciągu dwudziestu czterech godzin.

XV

ROZDZIAŁ 15

Sampung ulit na mas malaki ang ikaanim na planeta. Isang matandang ginoo na sumulat ng makakapal na libro ang nakatira doon.

Szósta planeta była dziesięć razy większa. Mieszkał na niej Starszy Pan, który pisał olbrzymie księgi.

“Hayan! Narito ang isang eksplorer!” ang malakas na sabi niya pagkakita sa munting prinsipe.

— Proszę! Oto badacz! — wykrzyknął, ujrzawszy Małego Księcia.

Naupo sa mesa ang munting prinsipe na medyo humihingal. Napakalayo na ng kanyang nalakbay!

Mały Książę usiadł za stołem, lekko dysząc. Bardzo długo już podróżował.

“Sa’n ka galing?” sabi sa kanya ng matandang ginoo.

— Skąd przybywasz? — zagadnął go Starszy Pan.

“Ano ang malaking librong ’yan?” sabi ng munting prinsipe. “Ano’ng ginagawa n’yo rito?”

— Co to za gruba księga? — spytał Mały Książę. — Co pan tu robi?

“Heograpo ako,” sinabi ng matandang ginoo.

— Jestem geografem — odpowiedział Starszy Pan.

“Ano ang heograpo?”

— Co to znaczy geograf?

“Siya ang pantas na nakaaalam kung saan naroon ang mga dagat, mga ilog, mga siyudad, mga bundok at mga disyerto.”

Jest to uczony, który wie, gdzie znajdują się morza, rzeki, miasta, góry i pustynie.

“’Yan ang talagang kawili-wili,” sinabi ng munting prinsipe. Sa wakas, isang tunay na propesyon!

— To bardzo ciekawe — powiedział Mały Książę. — Nareszcie odkryłem pożyteczne zajęcie!

At tinanaw niya sa kanyang paligid ang planeta ng heograpo. Wala pa siyang nakitang planeta na gano’n kaganda at kahanga-hanga.

I rozejrzał się po planecie geografa. Nigdy jeszcze nie widział tak wspaniałej planety.

“Napakaganda nitong planeta n’yo. May mga dagat ba dito?”

— Pańska planeta jest bardzo ładna. Czy są na niej oceany?

“Hindi ako ang nakaaalam,” sabi ng heograpo.

— Nie mogę tego wiedzieć — odpowiedział geograf.

“Ah!” (Nabigo ang munting prinsipe.) “At mga bundok?”

— Ach… — Mały Książę był rozczarowany. — A góry?

“Hindi ako ang nakaaalam,” sabi ng heograpo.

— Nie mogę tego wiedzieć — powiedział geograf.

“At mga siyudad at mga ilog at mga disyerto?”

— A miasta, rzeki, pustynie?

“Hindi rin ako ang nakaaalam,” sabi ng heograpo.

— Tego też nie mogę wiedzieć — odparł geograf.

“Pero heograpo kayo!”

— Ależ pan jest geografem?!

“Tama,” sabi ng heograpo, “pero hindi ako eksplorer. Talaga ngang kulang na kulang ako sa mga eksplorer. Hindi trabaho ng heograpo ang magbilang ng mga siyudad, mga ilog, mga bundok, mga dagat at mga disyerto.

— To prawda — rzekł geograf — lecz nie jestem badaczem. Bardzo brak mi badaczy. Zadanie geografa nie polega na liczeniu miast, rzek, gór, oceanów i pustyń.

Napakaimportante ng heograpo para magpagala-gala. Hindi niya iniiwan ang kanyang opisina. Pero pinakikiharapan naman niya ang mga eksplorer. Tinatanong niya sila at isinusulat niya ang kanilang mga natatandaan. At kung mukhang mahalaga para sa kanya ang natatandaan ng isa sa kanila, hihingi ng pagsisiyasat ang heograpo tungkol sa moralidad ng eksplorer.”

Geograf jest zbyt ważną osobistością, aby mógł pozwolić sobie na łazikowanie. On nie opuszcza swego biura, lecz przyjmuje badaczy, wypytuje i notuje ich spostrzeżenia. A gdy uwagi któregoś uzna za interesujące, wtedy każe robić wywiad o moralności danego badacza.

“Ba’t gano’n?”

— Po co?

“Dahil malaking kapahamakan sa mga libro ng heograpiya ang inihahatid ng isang eksplorer na sinungaling. At gano’n din ang isang eksplorer na malakas uminom.”

— Ponieważ kłamiący badacz wywołałby katastrofy w księgach geografii. A także badacz, który zbyt dużo pije.

“Ba’t gano’n?” tanong ng munting prinsipe.

— A dlaczego? — pytał Mały Książę.

“Dahil doble ang tingin ng mga lasenggo. Kaya dalawang bundok ang itatala ng heograpo sa halip na isa lang.”

— Ponieważ pijany widzi podwójnie, więc geograf zanotowałby dwie góry w miejscu, gdzie jest tylko jedna.

“May kilala ako,” sinabi ng munting prinsipe, “na lalabas na masamang eksplorer.”

— Znam kogoś — rzekł Mały Książę — kto byłby bardzo złym badaczem.

“Maaari. Kaya kung mapatunayang maganda ang moralidad ng eksplorer, saka isasagawa ang pagsisiyasat sa nadiskubre n’ya.”

— To bardzo możliwe. Kiedy więc moralność badacza wydaje się zadowalająca, sprawdza się prawdziwość jego odkrycia.

“Pupuntahan para makita?”

— Sprawdza się na miejscu?

“Hindi. Napakakumplikado n’yon. Ngunit hihingin sa eksplorer na magbigay ng mga katibayan. Kung tungkol ito halimbawa sa pagkadiskubre sa isang malaking bundok, hihingin sa kanya na mag-uwi ng malalaking bato.”

— Nie. To zbyt skomplikowane. Żąda się od badacza dowodów. Gdy na przykład chodzi o odkrycie wielkiej góry, żąda się, a by dostarczył wielkich kamieni.

Biglang sumigla ang heograpo.

Nagle geograf ożywił się:

“Ngunit ikaw, galing ka sa malayo! Eksplorer ka! Ilalarawan mo sa ’kin ang ’yong planeta!”

— Ależ ty przybywasz z daleka! Jesteś badaczem! Opisz mi twoją planetę!

At pagkabukas ng heograpo sa kanyang talaan, tinasahan niya ang kanyang lapis. Sa lapis muna isinusulat ang mga salaysay ng mga eksplorer. Hihintaying makapagbigay muna ng mga patunay ang eksplorer para maisulat ang mga ito sa tinta.

Geograf otworzył księgę i zaostrzył ołówek. Raport badacza zapisuje się najpierw ołówkiem, a po dostarczeniu dowodów prawdziwości odkrycia — przepisuje się piórem.

“Kaya?” tanong ng heograpo.

— Więc? — zapytał geograf.

“Oh! sa lugar ko,” sabi ng munting prinsipe, “wala naman talagang nakakainteres, napakaliit nito. May tatlo akong bulkan. Buhay ang dalawang bulkan, at isa naman ang patay na bulkan. Pero walang nakaaalam.”

— Och, u mnie wcale nie jest ciekawie — odpowiedział Mały Książę. — Planeta jest bardzo mała. Mam trzy wulkany. Dwa czynne i jeden wygasły. Ale nigdy nic nie wiadomo.

“Walang nakaaalam,” sabi ng heograpo.

— Nigdy nic nie wiadomo — powtórzył geograf.

“Meron din akong isang bulaklak.”

— Mam też kwiat.

“Hindi namin itinatala ang mga bulaklak,” sabi ng heograpo.

— Kwiaty nas nie interesują.

“Ba’t gano’n! Ito pa naman ang pinakamaganda!”

— A dlaczego? To najładniejsze z istniejących rzeczy!

“Dahil panandalian lamang ang mga bulaklak.”

— Ponieważ kwiaty są efemeryczne.

“Ano’ng ibig sabihin n’yon — ‘panandalian’?”

— Co znaczy „efemeryczne”?

“Mga libro sa heograpiya,” sabi ng heograpo, “ang pinakamahalaga sa lahat ng libro. Hinding-hindi naluluma ang mga ito. Bihirang-bihirang nagpapalit ng lugar ang isang bundok. Bihirang-bihirang natutuyuan ng tubig nito ang isang dagat. Mga bagay na walang hanggan ang isinusulat namin.”

— Księgi geografii są księgami najbardziej cennymi ze wszystkich ksiąg. Nigdy nie tracą aktualności. Bardzo rzadko zdarza się, aby góra zmieniła miejsce. Bardzo rzadko zdarza się, aby ocean wysechł. My opisujemy rzeczy wieczne.

“Pero puwedeng mabuhay ang mga patay na bulkan,” sumabad ang munting prinsipe. “Ano’ng ibig sabihin n’yong ‘panandalian’?”

— Lecz wygasły wulkan może się obudzić — przerwał Mały Książę. — Co to znaczy „efemeryczny”?

Advertisement