Ang Munting Prinsipe / Mały Książę — in Tagalog and Polish. Page 2

Tagalog-Polish bilingual book

Antoine de Saint Exupéry

Ang Munting Prinsipe

Antoine de Saint-Exupéry

Mały Książę

IV

ROZDZIAŁ 4

Kaya nalaman ko ang ikalawang bagay na napakahalaga: halos kasinlaki lamang ng isang bahay ang planetang pinanggalingan niya!

W ten sposób dowiedziałem się drugiej ważnej rzeczy: że planeta, z której pochodził, niewiele była większa od zwykłego domu.

Hindi ako gaanong nagulat dito. Alam na alam ko na bukod sa malalaking planeta gaya ng Lupa, Jupiter, Mars, Venus, na may mga pangalan na, may daan-daan pang iba na ang ilan ay napakaliliit kaya napakahirap makita sa teleskopyo.

Ta wiadomość nie zdziwiła mnie. Wiedziałem dobrze, że oprócz dużych planet, takich jak Ziemia, Jowisz, Mars, Wenus, którym nadano imiona, są setki innych, tak małych, że z wielkim trudem można je zobaczyć przy pomocy teleskopu.

Kapag may madiskubreng isa sa mga ito ang isang astronomo, isang numero ang ipinapangalan niya rito. Halimbawa’y tatawagin niya itong “Asteroid 3251.”

Kiedy astronom odkrywa którąś z nich, daje jej zamiast imienia numer. Nazywają na przykład gwiazdą 3251.

May mabigat akong dahilan para paniwalaang ang Asteroid B 612 ang planetang pinanggalingan ng munting prinsipe.

Miałem pewne podstawy, aby sądzić, że planeta, z której przybył Mały Książę, jest gwiazdą B-612.

Minsan lamang nakita sa teleskopyo ang asteroid na ito noong 1909 ng isang Turkong astronomo.

Ta gwiazda była widziana raz tylko, w 1909 roku, przez tureckiego astronoma.

Inilahad niya ang pagkakadiskubre niya rito sa isang Pandaigdig na Konggreso ng Astronomiya. Pero walang naniwala sa kanya dahil sa suot niyang damit. Ganyan ang matatanda.

Astronom ogłosił swoje odkrycie na Międzynarodowym Kongresie Astronomów. Nikt jednak nie chciał mu uwierzyć, ponieważ miał bardzo dziwne ubranie. Tacy bowiem są dorośli ludzie.

Masuwerte para sa reputasyon ng Asteroid B612. Itinadhana ng isang Turkong diktador sa kanyang mga mamamayan na magdamit-Europeo, kung hindi’y mamamatay ang di susunod.

Na szczęście dla planety B-612 turecki dyktator kazał pod karą śmierci zmienić swojemu ludowi ubiór na europejski.

Inulit ng astronomo ang kanyang pagpapatunay noon 1920, na nakadamit nang napakagara. At noo’y naniwala naman ang lahat sa kanya.

Astronom ogłosił po raz wtóry swoje odkrycie w roku 1920 — i tym razem był ubrany w elegancki frak. Cały świat mu uwierzył.

Kung ikinuwento ko sa inyo ang mga detalyeng ito tungkol sa Asteroid B 612 at sinabi sa inyo ang numero nito, dahil ito sa matatanda. Mahilig sa mga bilang ang matatanda.

Opowiedziałem wam te szczegóły o planecie B-612 i podałem numer ze względu na dorosłych. Dorośli są zakochani w cyfrach.

Kapag may sinabi kayo sa kanila tungkol sa isang bagong kaibigan, hinding-hindi sila kailanman magtatanong tungkol sa mahahalagang bagay. Hindi nila kailanman sasabihin sa inyo: “kumusta naman ang boses niya? Anong mga laro ang gusto niya? Nangungulekta ba siya ng mga paruparo?”

Jeżeli opowiadacie im o nowym przyjacielu, nigdy nie spytają o rzeczy najważniejsze. Nigdy nie usłyszycie: „Jaki jest dźwięk jego głosu? W co lubi się bawić? Czy zbiera motyle?”

Ang tanong nila’y “Ilang taon na siya? Ilan ang kanyang mga kapatid? Ano ang timbang niya? Magkano ang kita ng kanyang ama?” At saka lamang nila ipapalagay na nakilala nila siya.

Oni spytają was: „Ile ma lat? Ilu ma braci? Ile waży? Ile zarabia jego ojciec?” Wówczas dopiero sądzą, że coś wiedzą o waszym przyjacielu.

Kung sasabihin mo sa matatanda, “May nakita akong magandang bahay na yari sa rosas na tisa, may mga rosal sa bintana at mga kalapati sa bubong…” hindi nila magagawang isipin ang bahay na iyon. Kailangan mong sabihin sa kanila: “May nakita akong bahay na nagkakahalaga ng 5,000,000 piso.” Kayat sasabihin nila: “O, napakaganda ng bahay na ’yon!”

Jeżeli mówicie dorosłym: „Widziałem piękny dom z czerwonej cegły, z geranium w oknach i gołębiami na dachu” — nie potrafią sobie wyobrazić tego domu. Trzeba im powiedzieć: „Widziałem dom za sto tysięcy złotych”. Wtedy krzykną: „Jaki to piękny dom!”

Gayundin naman, kung sasabihin mo sa kanila: “Talagang nabuhay ang munting prinsipe dahil kaakit-akit siya, tumawa siya at gusto niyang magkaroon ng tupa. Kung merong maygusto ng tupa, patunay na ’yon na buhay siya,” magkikibit-balikat lamang sila at ituturing kang bata.

Jeżeli powiecie dorosłym: „Dowodem istnienia Małego Księcia jest to, że był śliczny, że śmiał się i że chciał mieć baranka, a jeżeli chce się mieć baranka, to dowód, że się istnieje” — wówczas wzruszą ramionami i potraktują was jak dzieci.

Pero kung sasabihin mo sa kanila: “Ang Asteroid B 612 ang planetang pinanggalingan niya,” makukumbinsi sila at hindi na kayo gagambalain sa katatanong. Ganyan talaga sila. Hindi naman sila dapat masamain. Kailangang magkaroon ng lubos na pasensya sa matatanda ang mga bata.

Lecz jeżeli im powiecie, że przybył z planety B-612, uwierzą i nie będą zadawać niemądrych pytań. Oni są właśnie tacy.

Ngunit para sa ’tin s’yempre na nakauunawa sa buhay, balewala lang ang mga numero! Gusto ko sanang simulan ang kuwentong ito gaya ng isang alamat. Gusto ko sanang sabihin:

My jednak, którzy dobrze rozumiemy życie, kpimy sobie z cyfr. Chciałbym zacząć tę historię, jak zaczyna się baśń. Wolałbym powiedzieć:

“Minsan, may isang munting prinsipe na nakatira sa isang planeta na malaki-laki lang nang kaunti sa kanya, at kailangan niya ng kaibigan…” Para sa mga nakauunawa sa buhay, mas parang totoo ito.

„Był pewnego razu Mały Książę, który mieszkał na planecie troszeczkę większej od niego i który bardzo chciał mieć przyjaciela …” Dla tych, którzy znają życie, wyglądałoby to o wiele prawdziwiej.

Ayokong basta na lamang basahin ng mga tao ang libro ko. Napakalungkot para sa ’kin ang isalaysay ang mga alaalang ito. Anim na taon na ang lumipas mula nang umalis ang aking kaibigan, dala ang kanyang tupa. Kung sinikap ko mang ilarawan siya rito, ito ay para di ko siya malimutan.

Byłoby mi przykro, gdyby moją książkę traktowano niepoważnie. Z wielkim bólem opowiadam te wspomnienia. Sześć lat minęło już od chwili, kiedy mój przyjaciel odszedł ze swoim barankiem. Próbuję opisać go po to, aby nie zapomnieć.

Malungkot ang malimot ang isang kaibigan. Hindi lahat ay may kaibigan. At puwede pa rin akong maging gaya ng matatanda na sa mga bilang lamang interesado.

To bardzo przykre zapomnieć przyjaciela. A przecież nie każdy dorosły ma przyjaciela. I mógłbym stać się podobny do dorosłych, którzy interesują się tylko cyframi.

Kaya naman bumili ako ng isang kahon ng pintura at mga lapis dahil na nga rito. Mahirap sa edad ko ang magsimulang magdrowing uli, lalo na’t wala akong ibang naidrowing kundi ang loob at ang labas ng mga sawa, sa edad na anim na taon!

Dlatego też kupiłem sobie pudełko z farbami i ołówki. Bardzo trudno zabrać się do rysowania w moim wieku, tym bardziej, że jedyne próby w tym kierunku, to były rysunki węża boa zamkniętego i otwartego, rysunki, które robiłem mając sześć lat.

Sisikapin ko s’yempre hangga’t maaari na gawin ang mga drowing na mas nakakahawig. Pero hindi ko tiyak kung magagawa ko ito. Ayos ang isa, at napakalayo naman ang isa pa.

Postaram się jednak, aby portrety były jak najwierniejsze. Sam nie jestem pewien, czy mi się to uda. Jeden rysunek jest dobry, drugi gorszy.

Medyo namamali rin ako sa kanyang taas. Kung minsa’y sobra ang tangkad ng munting prinsipe. Kung minsan nama’y napakaliit niya. Nagdadalawang-isip din ako tungkol sa kulay ng kanyang damit. Kaya atubili ko itong ginawa kahit paano ayon sa aking kakayahan.

Myli mi się trochę wzrost Małego Księcia. Tutaj jest za duży, tam znów za mały. Waham się, malując kolory jego stroju.

Magkakamali rin s’yempre ako sa ilang mas mahahalagang detalye. Ngunit ipagpaumanhin n’yo sana ito sa akin. Walang anumang paliwanag na ibinigay sa akin ang kaibigan ko. Akala niya siguro e gaya niya ako. Pero sayang, hindi ko kayang makakita ng mga tupa na lagusan sa mga kahon. Medyo katulad siguro ako ng matatanda. Tumatanda na siguro ako.

Błądzę w ciemnościach wspomnień i w rezultacie mylę się w rzeczach bardzo zasadniczych. Ale trzeba mi to wybaczyć. Mój przyjaciel nigdy mi nic nie objaśniał. Uważał pewnie, że jestem podobny do niego. Ja jednak nie potrafię, niestety, widzieć baranka przez ściany skrzynki. Możliwe więc, że jestem trochę podobny do dorosłych. Już się prawdopodobnie zestarzałem.

V

ROZDZIAŁ 5

Araw-araw, may natututuhan ako tungkol sa planeta, tungkol sa pag-alis, tungkol sa paglalakbay. Dahan-dahan itong dumarating, at kung nagkakataon lamang, mula sa kanyang mga pag-iisip. Ganito ko nalaman sa ikatlong araw ang problema niya sa mga baobab.

Codziennie dowiadywałem się czegoś nowego o planecie, o wyjeździe, o podróży. Wiadomości te gromadziły się z wolna i przypadkowo. I tak trzeciego dnia poznałem dramat baobabów.

Sa pagkakataong ito, ang tupa na naman uli ang naging daan, dahil bigla akong tinanong ng munting prinsipe na parang labis na nagdududa:

W tym przypadku stało się to dzięki barankowi. Mały Książę spytał mnie nagle, jakby w coś zwątpił:

“Totoo, di ba, na kumakain ng maliliit na puno ang mga tupa?”

— Czy to prawda, że baranki zjadają krzaki?

“Oo. Totoo ’yon.”

— Tak, to prawda.

“Ah! Mabuti naman.”

— O, to bardzo się z tego cieszę.

Hindi ko naintindihan kung bakit mahalaga kung kumakain nga ng maliliit na puno ang mga tupa. Ngunit idinugtong ng munting prinsipe:

— Nie rozumiałem, jakie znaczenie może mieć wiadomość, że baranki zjadają krzaki. Ale Mały Książę dodał:

“Kung gayon, kumakain din sila ng mga baobab?”

— Wobec tego one jedzą także baobaby?

Ipinaliwanag ko sa munting prinsipe na hindi maliliit na puno ang mga baobab kundi mga punong sinlaki ng mga simbahan. At kahit magdala pa siya ng isang kawan ng mga elepante, hindi pa rin mauubos ng kawang iyon ang isang baobab.

Wytłumaczyłem mu, że baobaby nie są krzakami, lecz drzewami, i to tak dużymi jak kościoły, i gdyby nawet zabrał ze sobą całe stado słoni, to nie dałyby one rady jednemu baobabowi.


Na myśl o stadzie słoni Mały Książę roześmiał się:


— Trzeba byłoby poustawiać jednego na drugim.


Później dodał z namysłem:


— Ale nim baobaby staną się drzewami, są malutkie.


— To prawda. Ale dlaczego chcesz, żeby baranki zjadały małe baobaby?


Odpowiedział mi: — Dobrze, dobrze… — jakby chodziło o rzecz najzupełniej oczywistą.


Musiałem zrobić duży wysiłek, aby zrozumieć to bez niczyjej pomocy.

Sa planeta nga ng munting prinsipe, tulad sa lahat ng iba pang planeta, may mabubuti at masasamang damo. Kaya may mabubuting binhi mula sa mabubuting halaman at masasamang binhi mula sa masasamang halaman.

Okazało się, że na planecie Małego Księcia, tak jak na wszystkich planetach, rosły rośliny pożyteczne oraz zielska. W rezultacie znajdowały się tam dobre nasiona roślin pożytecznych i złe nasiona zielsk.

Pero hindi nakikita ang mga binhi. Natutulog sila sa kaibuturan ng lupa hanggang makaisip gumising ang isa sa kanila. Kaya palalakihin niya ang kanyang sarili, at itutulak paharap sa araw na sa simula’y medyo nag-aalangan pa, ang isang kaakit-akit na maliit na usbong na di naman nakaaano.

Ale ziarna są niewidoczne. Śpią sobie skrycie w ziemi aż do chwili, kiedy któremuś z nich przyjdzie ochota obudzić się. Wypuszcza wtedy cudowny, bezbronny pęd, który najpierw nieśmiało wyciąga się ku słońcu.

Kung supling nga lang ito ng labanos o ng rosas, patutubuin ito ayon sa gusto nito. Pero kung masamang halaman ito, kailangan itong bunutin agad sa sandaling makilala ito.

Jeżeli jest to pęd rzodkiewki albo róży, można mu pozwolić rosnąć, jak chce. Ale jeżeli jest to zielsko, trzeba wyrwać je jak najszybciej, gdy tylko sięje rozpozna.

Ngayon, may napakasasamang binhi sa planeta ng munting prinsipe… ito ang mga binhi ng mga baobab. Naglipana ang mga ito sa lupa ng planeta.

Otóż na planecie Małego Księcia były ziarna straszliwe. Ziarna baobabu. Zakażony był nimi cały grunt.

At kung hindi agad bubunutin ang isang baobab, hinding-hindi na ito maaalis kailanman. Masasakop nito ang buong planeta. Bubutasin iyon ng mga ugat nito. At kung napakaliit ng planeta at napakarami naman ng mga baobab, pasasabugin iyon ng mga ito.

A kiedy baobab wyrośnie, to na wyrwanie jest za późno i nigdy już nie można się go pozbyć. Zajmie całą planetę. Przeorze ją korzeniami. A jeżeli planeta jest mała, a baobabów jest dużo, to one ją rozsadzają.

“Disiplina ang kailangan,” sinabi ng munting prinsipe sa akin, pagkatapos. “Matapos mong ayusin at linisin ang sarili sa umaga, kailangan mo namang ayusin at linising mabuti ang planeta. Kailangang laging bunutin ang mga baobab sa sandaling makita ang kaibahan ng mga ito sa mga rosas na kahawig na kahawig ng mga ito habang napakaliit pa. Nakasasawang trabaho pero napakadali.”

— Jest to kwestia dyscypliny — powiedział mi później Mały Książę. — Rano, po umyciu się, trzeba robić bardzo dokładną toaletę planety. Trzeba się zmusić do regularnego wyrywania baobabów, i to natychmiast po odróżnieniu ich od krzewów róży, do których są w młodości bardzo podobne. Jest to praca bardzo nudna, lecz bardzo łatwa…

Isang araw, ipinayo niya sa akin na sikapin kong gumawa ng magandang drowing para matatak itong mabuti sa isipan ng mga bata sa lugar ko.

Pewnego dnia poradził mi, abym spróbował narysować ładny obrazek, który by pomógł dzieciom z naszej planety zrozumieć niebezpieczeństwo baobabów.

“Kung isang araw e magbibiyahe sila,” ang sabi niya sa akin, “maaaring makatulong ito sa kanila. Pag minsa’y wala namang masama na ipagpaliban ang trabaho. Pero pag dating sa mga baobab, malaking kapahamakan lang ang ibig sabihin nito. May alam akong planeta na isang tamad ang nakatira. Pinabayaan niya ang tatlong maliliit na puno…”

— Gdyby kiedyś podróżowały — mówił mi — może im się przydać. Czasem odłożenie pracy na później nie przynosi szkody. Lecz w wypadku baobabu jest to zawsze katastrofą. Znałem planetę, którą zamieszkiwał leniuch. Zlekceważył trzy pędy …

Kaya ayon sa mga sinabi ng munting prinsipe, iginuhit ko ang planeta. Ayokong lumabas na para akong nangangaral. Pero hindi masyadong naiintindihan ang panganib na galing sa baobab at talagang napakabigat ang mga panganib na maaaring makaharap ng sinumang nawawala sa isang asteroid. Kaya sa pagkakataong ito, isinasaisantabi ko ang pagiging mahinahon.

Według wskazówek Małego Księcia narysowałem tę planetę. Nie lubię prawić morałów. Lecz niebezpieczeństwo baobabów jest tak mało znane, a ryzyko, na jakie narażają się ci, którzy zabłądzą na jedną z małych planet, jest tak poważne, że tym razem odstąpię od mych zasad.

Sinasabi kong “Mga bata! Mag-ingat kayo sa mga baobab.” Gusto ko kasing babalaan ang aking mga kaibigan tungkol sa panganib na matagal na nilang nakakaharap, tulad ko, nang hindi nalalaman. Kaya lubos kong pinagpaguran ang drowing na ito. Sulit namang talaga ang leksyong ibinibigay ko rito.

I mówię: dzieci, uważajcie na baobaby! Wiele pracy kosztował mnie ten rysunek, który zrobiłem po to, aby ostrzec mych przyjaciół przed niebezpieczeństwem od dawna grożącym, a nieznanym. Mój trud jednakże opłacił się.

Itatanong n’yo siguro: “Bakit walang ibang drowing na kasinlaki ng drowing ng mga baobab sa librong ito?” Simple lang ang sagot: sinikap ko pero hindi ko nagawa. Nang idrowing ko ang mga baobab, inspirado ako at malakas ang loob dahil hinihingi ito ng pagkakataon.

Może zapytacie, dlaczego w tej książce nie ma innych równie wspaniałych rysunków jak rysunek baobabów? Odpowiedź jest prosta: próbowałem je zrobić, lecz mi się nie udały. Gdy malowałem baobaby, kierowała mną jakaś wewnętrzna konieczność.

VI

ROZDZIAŁ 6

Ah! Munting prinsipe, naintindihan ko rin unti-unti ang malungkot na munti mong buhay. Matagal na panahon na ang masarap pakiramdamang paglubog ng araw ang siya mong libangan. Nalaman ko ang bagong detalyeng ito, umaga ng ika’pat na araw, nang sabihin mo sa akin:

Powoli zrozumiałem, Mały Książę, twoje smutne życie. Od dawna jedyną rozrywką był dla ciebie urok zachodów słońca. Ten nowy szczegół twego życia poznałem czwartego dnia rano, gdyś mi powiedział:

“Gustung-gusto ko ang paglubog ng araw. Halika, tingnan natin ang paglubog ng araw.”

— Bardzo lubię zachody słońca. Chodźmy zobaczyć zachód słońca.

“Pero kailangang maghintay…”

— Ale trzeba poczekać.

“Maghintay ng ano?”

— Poczekać na co?

“Maghintay na lumubog ang araw.”

— Poczekać, aż słońce zacznie zachodzić.

Sa umpisa’y mukhang gulat na gulat ka, at pagkatapos naman e tinawanan mo ang ’yong sarili. At sinabi mo sa ’kin:

Początkowo zrobiłeś zdziwioną minę, a później roześmiałeś się i rzekłeś:

“Akala ko nasa aking planeta pa rin ako!”

— Ciągle mi się wydaje, że jestem u siebie.

Oo nga. Alam ng lahat na pag tanghaling-tapat sa Estados Unidos, lumulubog naman ang araw sa Pransya. Kung makakapunta sa Pransya sa loob ng isang minuto, masasabayan mo ang paglubog ng araw.

Rzeczywiście, wszyscy wiedzą, że kiedy w Stanach Zjednoczonych jest godzina dwunasta, we Francji słońce zachodzi. Gdyby można się było w ciągu minuty przenieść ze Stanów do Francji, oglądałoby się zachód słońca.

Sayang at napakalayo ng Pransya. Pero sa napakaliit mong planeta, kailangan mo lang ilipat nang ilang hakbang ang silya mo. At mapapanood mo na ang takipsilim tuwing gusto mo…

Niestety, Francja jest daleko. Ale na twojej planecie mogłeś przesunąć krzesełko o parę kroków i oglądać zachód słońca tyle razy, ile chciałeś …

“Isang araw, apatnapu’t tatlong beses kong nakita ang paglubog ng araw!”

— Pewnego dnia oglądałem zachód słońca czterdzieści trzy razy — powiedział Mały Książę.

At pagkatapos ng ilang sandali, idinagdag mo pa:

A w chwilę później dodał:

“Alam mo… gusto mo ang paglubog ng araw pag sobra ang lungkot mo…”

— Wiesz, gdy jest bardzo smutno, to kocha się zachody słońca.

“Sobra ba ang lungkot mo sa araw ng apatnapu’t tatlong beses na takipsilim?”

— Więc wówczas gdy oglądałeś je czterdzieści trzy razy, byłeś aż tak bardzo smutny? — zapytałem.

Pero hindi sumagot ang munting prinsipe.

Ale Mały Książę nie odpowiedział.

VII

ROZDZIAŁ 7

Sa ikalimang araw, at salamat uli sa tupa, nalaman ko ang lihim na ito ng buhay ng munting prinsipe. Bigla niya akong tinanong. Wala siyang paunang salita, na parang bunga ng mahaba at tahimik na pag-iisip ang kanyang sinabi:

Piątego dnia, znowu dzięki barankowi, odkryłem nową tajemnicę Małego Księcia. Gwałtownie, bez żadnego wstępu, zapytał mnie, jak gdyby po długim zastanawianiu się w samotności:

“Ang tupa, kung kumakain ito ng maliliit na puno, kumakain din ba ito ng mga bulaklak?”

— Jeżeli baranek zjada krzaki, to je także kwiaty?

“Kinakain ng tupa ang lahat ng makita nito.”

— Baranek je wszystko, co napotka.

“Kahit na mga bulaklak na may tinik?”

— Nawet kwiaty, które mają kolce?

“Oo. Kahit na mga bulaklak na may tinik.”

— Tak, nawet kwiaty, które mają kolce.

“Kung gayon, ano ang gamit ng mga tinik?”

— A więc do czego służą kolce?

Hindi ko alam. Abalang-abala ako noon sa pagsisikap na kalasin ang isang napakahigpit na turnilyo sa aking makina. Balisang-balisa pa ako dahil malinaw nang talagang grabe ang sira ng makina, at halos ubos na ang tubig kayat mas masama pa ang pinangambahan ko.

Nie wiedziałem. Byłem w tym momencie zajęty luzowaniem zbyt ściągniętego sworznia mego motoru. Niepokoiłem się bardzo, ponieważ zacząłem rozumieć, że uszkodzenie jest poważne, a woda do picia kończy się. Myślałem o najgorszym.

“Ano ang silbi ng mga tinik?”

— Do czego służą kolce?

Walang tigil sa pagtatanong ang munting prinsipe sa sandaling masabi niya ito. Naiinis ako dahil sa aking turnilyo, kaya basta na lamang ako sumagot:

Mały Książe nigdy nie rezygnował z postawionego raz pytania. Byłem zdenerwowany stanem mojej maszyny i odpowiedziałem byle co:

“Walang anumang silbi ang mga tinik; pawang kasamaan lamang ito ng mga bulaklak.”

— Kolce nie służą do niczego. To tylko złośliwość kwiatów.

“Oh!”

Mały Książę westchnął.

Pagkatapos ng sandaling katahimikan, bigla niyang sinabi sa akin na parang may sama ng loob:

A po chwili milczenia powiedział urażony:

“Hindi ako naniniwala sa ’yo! Mahina ang mga bulaklak. Wala silang gaanong alam. Pinalalakas nila ang kanilang loob sa abot ng kanilang makakaya. Akala nila’y kakilakilabot na sila dahil sa kanilang mga tinik…”

— Nie wierzę ci. Kwiaty są słabe, są naiwne. One zabezpieczają się, jak mogą. Im się wydaje, że z kolcami są bardzo groźne.

Hindi ako sumagot. Sinasabi ko sa aking sarili nang mga sandaling ’yon: “Kung hindi pa rin matatanggal ang turnilyong ito, pupukpukin ko na ’to ng martilyo.” Muli na namang ginulo ng munting prinsipe ang pag-iisip ko:

Nie odpowiedziałem. Mówiłem sobie w tej chwili: „Jeżeli ten sworzeń nie puści, wybiję go młotkiem”. Mały Książę przerwał moje myśli.

“At ikaw, naniniwala ka na ang mga bulaklak…”

— I ty sądzisz, że kwiaty…

“Hindi! Hindi! Wala akong pinaniniwalaang anuman. Basta-basta lang ang isinagot ko sa ’yo. At ako, abala ako sa mga seryosong bagay.”

— Ale nie, nic nie sądzę. Odpowiedziałem byle co. Zajmuję się poważnymi sprawami.

Tinitigan niya ako at labis na nagulat.

Popatrzył na mnie zdumiony.

“Mga seryosong bagay!”

— Poważnymi sprawami?

Tiningnan niya ako, hawak ko ang aking martilyo at nangingitim sa grasa ang aking mga daliri, nakayuko sa isang bagay na sa tingin n’ya’y parang napakapangit.

Widział mnie stojącego z młotkiem w ręku, z palcami czarnymi od smaru, schylonego nad przedmiotem, który wydawał mu się bardzo brzydki.

“Nagsasalita ka gaya ng matatanda.”

— Mówisz jak dorośli.

Medyo napahiya ako. Pero walang habag niyang ipinagpatuloy:

Zawstydziłem się. Ale on dodał bezlitośnie:

“Ginugulo mo ang lahat… pinaghahalo mo ang lahat!”

— Nie rozumiesz nic. Mieszasz wszystko.

Talaga ngang inis na inis na siya. Pinagalaw niya sa hangin ang kanyang buhok na kulay-ginto.

Był naprawdę bardzo rozgniewany. Potrząsał złotymi lokami, rozsypującymi się na wietrze.

“May alam akong planeta na isang mamang pula ang nakatira. Kailanma’y hindi pa siya nakaaamoy ng bulaklak. Kailanma’y hindi pa siya nakakatingin sa isang bituin. Kailanma’y wala pa siyang minahal. Kailanma’y wala siyang ibang ginagawa kundi magbilang. At maghapon na paulit-ulit niyang sinasabi tulad mo: ’Seryosong tao ako! Seryosong tao ako!’ At ipinagmamalaki niya ’yon. Pero hindi siya tao, isa s’yang kabute!”

— Znam planetę, na której mieszka pan o czerwonej twarzy. On nigdy nie wąchał kwiatów. Nigdy nie patrzył na gwiazdy. Nigdy nikogo nie kochał. Niczego w życiu nie robił poza rachunkami. I cały dzień powtarza tak jak ty: „Jestem człowiekiem poważnym, jestem człowiekiem poważnym”. Nadyma się dumą. Ale to nie jest człowiek, to jest grzyb.

“Ano?”

— Co?

“Isang kabute!”

— Grzyb!

Advertisement