Ang Munting Prinsipe / Mały Książę — in Tagalog and Polish. Page 6

Tagalog-Polish bilingual book

Antoine de Saint Exupéry

Ang Munting Prinsipe

Antoine de Saint-Exupéry

Mały Książę

“Patay man o buhay ang mga bulkan, pareho lang ang mga ito para sa ’min,” sinabi ng heograpo. “Ang bundok ang mahalaga para sa ’min. Hindi ito nagbabago.”

— Dla nas jest obojętne, czy wulkan jest czynny, czy wygasły — rzekł geograf. — Nam chodzi o górę, a góra się nie zmienia.

“Pero ano’ng ibig sabihin n’yong ‘panandalian’?” inulit ng munting prinsipe na sa tanang buhay niya’y hinid hinihintuan ang isang tanong sa oras na masabi niya ito.

— Co znaczy „efemeryczny”? — powtórzył Mały Książę, który nigdy w życiu nie porzucił raz postawionego pytania.

“Ito ang ibig sabihin n’yon: ‘na nanganganib sa nalalapit na paglalaho’.”

— Znaczy to „zagrożony bliskim unicestwieniem”.

“Nanganganib ba sa nalalapit na paglalaho ang aking bulaklak?”

— Mojej róży grozi bliskie unicestwienie?

“S’yempre.”

— Oczywiście.

“Panandalian lang ang aking bulaklak,” sabi ng munting prinsipe sa kanyang sarili, “at may apat na tinik lamang s’ya para ipagtanggol ang sarili laban sa daigdig! At iniwan ko s’yang labis na nag-iisa sa aking planeta!”

„Moja róża jest efemeryczna — powiedział do siebie Mały Książę — i ma tylko cztery kolce dla obrony przed niebezpieczeństwem. A ja zostawiłem ją zupełnie samą…”

’Yon ang una niyang pagkadama ng panghihinayang. Ngunit nilakasan niya ang kanyang loob:

To był jego pierwszy odruch żalu. Mimo to zapytał odważnie:

“Ano ang maipapayo n’yong dalawin ko ngayon?” tanong niya.

— Co radzi mi pan zwiedzić?

“Ang planetang Lupa,” sagot sa kanya ng heograpo. “Maganda ang pagkakilala dito…”

— Planetę Ziemię — odpowiedział geograf. — Ma dobrą sławę.

At umalis ang munting prinsipe na naaalala ang kanyang bulaklak.

Mały Książę ruszył w dalszą drogę, myśląc o swojej róży.

XVI

ROZDZIAŁ 16

Kaya ang Lupa ang ikapitong planeta.

Siódmą planetą była Ziemia.

Hindi ordinaryong planeta ang Lupa! Sandaa’t labing-isang hari (kabilang na s’yempre ang mga haring Negro), pitunlibong heograpo, siyamnaraanlibong negosyante, pitong milyon at limandaanlibong lasenggo, tatlundaa’t labing-isang milyong hambog na tao ang mabibilang doon, ibig sabihi’y halos dalawang bilyong matatanda (sa ngayo’y apat na bilyon nang lahat, kaya doble na rin ang lahat ng bilang na ito).

Ziemia nie jest byle jaką planetą. Liczy sobie stu jedenastu królów (nie pomijając oczywiści królów murzyńskich), siedem tysięcy geografów, dziewięćset tysięcy bankierów, siedem i pół miliona pijaków, trzysta jedenaście milionów próżnych — krótko mówiąc: około dwóch miliardów dorosłych.

Para magkaroon ka ng ideya tungkol sa laki ng Lupa, sasabihin ko sa ’yo na bago naimbento ang kuryente, isang tunay na hukbo ng apatnaraa’t animnapu’t dalawang libo’t limandaa’t labing-isang tagasindi ng mga ilaw ang kailangang tustusan sa buong anim na kontinente.

Aby łatwiej wam było pojąć, jak wielka jest Ziemia, powiem wam, że przed wynalezieniem elektryczności trzeba było zatrudniać na wszystkich sześciu kontynentach całą armię latarników, złożoną z czterystu sześćdziesięciu dwóch tysięcy pięciuset jedenastu osób.

Napakagandang tanawin ang makikita rito mula sa di-kalayuan. Maisasaayos ang mga galaw ng hukbong ito gaya ng sa isang ballet sa opera.

To był wspaniały widok — gdy się patrzyło z pewnej odległości. Ruchy tej armii były podobne do baletu.

Sa una’y ang parte ng mga tagasindi ng mga ilaw sa New Zealand at Australia. Pagkasindi nila sa kanilang mga ilaw, lalabas sila para matulog. Pagkatapos, papasok naman ang mga tagasindi ng mga ilaw sa China at Siberia para sa kanilang parte sa sayaw. At saka sila mawawala rin sa kabila ng telon.

Pierwsi zaczynali pracę latarnicy Nowej Zelandii i Australii, którzy potem szli spać. Następnie do tańca wstępowali latarnicy Chin i Syberii. I oni po pewnym czasie kryli się za kulisami.

Susunod naman ang parte ng mga tagasindi ng mga ilaw sa Russia at Indies. Pagkatapos ay ang mga nasa Afrika at Europa. Pagkatapos ay ang mga nasa Timog Amerika. Pagkatapos ay ang mga nasa Hilagang Amerika.

Wtedy przychodziła kolej na latarników Rosji i Indii. Potem Afryki i Europy. Potem Ameryki Południowej. Następnie Ameryki Północnej.

At hinding-hindi sila nagkakamali sa pagkakasunud-sunod ng kanilang pagpasok sa eksena. Talaga ngang kahanga-hanga ito.

I nigdy nie pomylono porządku wchodzenia na scenę. To było wspaniałe.

Ang tagasindi ng nag-iisang ilaw sa North Pole at ang kasamahan niya sa nag-iisang ilaw sa South Pole — sila lamang ang makapamumuhay nang pa-bandying-bandying at paisi-isi: dalawang beses isang taon lang sila magtatrabaho.

Tylko latarnik jedynej lampy na Biegunie Północnym i jego kolega latarnik jedynej lampy na Biegunie Południowym prowadzili niedbałe i próżniacze życie: pracowali dwa razy w roku.

ХVII

ROZDZIAŁ 17

Kung gusto ninuman na lumabas na magaling, nauuwi ito sa kaunting pambobola niya kung minsan. Hindi ako talaga naging tapat nang sabihin ko sa inyo ang tungkol sa mga tagasindi ng mga ilaw. Maaaring di-tamang ideya ang naibigay ko tungkol sa ating planeta sa mga hindi pa nakaaalam dito. Napakaliit na lugar lamang sa lupa ang inookupa ng mga tao.

Zdarza się czasem, że chcąc być dowcipnym, popełniamy małe kłamstwa. Nie byłem bardzo uczciwy, gdy opowiadałem wam o latarnikach. Obawiam się, że ci, którzy nie znają naszej planety, będą mieli o niej fałszywe zdanie. Ludzie zajmują na Ziemi bardzo mało miejsca.

Kung tatayong lahat at medyo magsisiksikan ang dalawang bilyong taong naninirahan sa lupa, na parang nasa isang miting, madali silang kakasya sa isang plasa na dalawampung milya ang haba at dalawampung milya ang lapad. Puwedeng isalansan ang sangkatauhan sa pinakamaliit na isla sa Pacific.

Gdyby dwa miliardy mieszkańców Ziemi stanęło razem — jeden przy drugim, jak na wiecu — to zmieściliby się z łatwością na publicznym placu o dwudziestu milach długości i dwudziestu milach szerokości. Można by więc całą ludzkość stłoczyć na maleńkiej wysepce Oceanu Spokojnego.

Hindi ka s’yempre paniniwalaan ng matatanda. Akala nila’y napakalawak na ang pinaninirahan nila. Mahalaga ang tingin nila sa kanilang sarili tulad ng mga baobab. Kaya payuhan mo silang magkuwenta. Gustung-gusto nila ang mga bilang: dito sila nasisiyahan. Pero huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang mabigat na gawaing ito. Hindi ito kailangan. Alam kong naniniwala ka sa akin.

Oczywiście dorośli wam nie uwierzą. Oni wyobrażają sobie, że zajmują dużo miejsca. Wydaje się im, że są tak wielcy jak baobaby. Więc poradźcie im, aby zrobili obliczenia. Kochają się w cyfrach: to im się spodoba. Lecz my nie traćmy czasu na ćwiczenie, które zadaje się za karę. To jest zbyteczne. Wy mi wierzycie.

Kaya pag dating niya sa lupa, labis na nagtaka ang munting prinsipe at wala siyang nakitang tao. Kinakabahan na siya na maaaring nagkamali siya ng planeta nang may kung anong nakabilog na kulay-buwan ang gumalaw sa buhangin.

Po przybyciu ba Ziemię Mały Książę był bardzo zdziwiony, nie widząc żywej duszy. Przestraszył się, myśląc, że zabłądził, gdy wtem żółtawy pierścień poruszył się na piasku.

“Magandang gabi,” sabi ng munting prinsipe sa pagbabakasakali.

— Dobry wieczór — rzekł Mały Książę na wszelki wypadek.

“Magandang gabi,” ang sabi naman ng ahas.

— Dobry wieczór — powiedziała żmija.

“Anong planeta ba itong binabaan ko?” tanong ng munting prinsipe.

— Na jaką planetę spadłem? — spytał Mały Książę.

“Sa Lupa — sa Afrika,” sumagot ang ahas.

— Na Ziemię, do Afryki.

“Ah!… Kung gayo’y walang tao sa Lupa?”

— Ach… więc Ziemia nie jest zaludniona?

“Ito ang disyerto. Walang tao sa mga disyerto. Malaki ang Lupa,” sinabi ng ahas.

— Jesteśmy na pustyni. Na pustyni nikogo nie ma. Ziemia jest wielka — odrzekła żmija.

Naupo ang munting prinsipe sa isang bato at tumingala sa langit.

Mały Książę usiadł na kamieniu i wzniósł oczy ku niebu.

“Itinatanong ko sa aking sarili,” sabi niya, “kung nagliliwanag ba ang mga bituin upang isang araw ay matagpuang muli ng bawat isa sa atin ang sa kanya. Tingnan mo ang aking planeta. Katapat lang natin ito, doon sa itaas… Pero napakalayo!”

— Zadaję sobie pytanie — powiedział — czy gwiazdy świecą po to, aby każdy mógł znaleźć swoją?… Popatrz na mojąplanetę. Jest dokładnie na nami. Ale jak bardzo daleko!

“Maganda,” sinabi ng ahas. “Ano naman ang gagawin mo dito?”

— Jest piękna — odrzekła żmija. — Po co tu przybyłeś?

“Nahihirapan ako sa isang bulaklak,” sabi ng munting prinsipe.

— Mam pewne trudności z różą — powiedział Mały Książę.

“Ah!” sumagot ang ahas.

— Ach tak… — rzekła żmija.

At kapwa sila tumahimik.

I oboje umilkli.

“Nasa’n ang mga tao?” nagtanong sa wakas ang munting prinsipe. “Medyo nakapangungulila sa disyerto…”

— Gdzie są ludzie? — zaczął znowu Mały Książę. — Czuję się trochę osamotniony w pustyni…

“Nakapangungulila rin sa piling ng mga tao,” sabi ng ahas.

— Wśród ludzi jest się także samotnym — rzekła żmija.

Matagal siyang pinagmasdan ng munting prinsipe:

Mały Książę przyglądał jej się przez dłuższy czas.

“Kakatuwa kang hayop,” sinabi niya sa wakas, “sinlaki ka lang ng daliri…”

— Jesteś zabawnym stworzeniem — rzekł wreszcie — cienka jak palec…

“Ngunit mas malakas pa ’ko kaysa daliri ng hari,” sabi ng ahas.

— Ach, jestem znacznie potężniejsza niż palec króla — powiedziała żmija.

Ngumiti ang munting prinsipe.

Mały Książę uśmiechnął się:

“Hindi ka masyadong malakas… wala kang mga paa… ni hindi ka makapaglalakbay.”

— Nie jesteś zbyt potężna… Nie masz nawet łapek… nawet nie możesz podróżować…

“Madadala kita nang mas malayo pa kaysa isang barko,” sabi ng ahas.

— Mogę cię unieść dalej niż okręt — rzekła żmija i owinęła się wokół kostki Małego

Pumulupot ito na parang gintong pulseras sa bukung-bukong ng munting prinsipe.

Księcia na podobieństwo złotej bransolety.

“Ibinabalik ko sa lupang pinagmulan niya ang sinumang hipuin ko,” muling nagsalita ang ahas. “Pero dalisay ka at galing sa isang bituin…”

— Tego, kogo dotknę, odsyłam tam, skąd przybył — dodała. Lecz ty jesteś niewinny i przybywasz z gwiazdy…

Hindi sumagot ang munting prinsipe.

Mały Książę nie odpowiedział.

“Naaawa ako sa ’yo, napakahina mo sa Lupang ito ng matigas na bato. Matutulungan kita balang araw pag labis mo nang hinahanap-hanap ang ’yong planeta. Puwede akong…”

— Wzbudzasz we mnie litość, taki słaby na granitowej Ziemi… Mogę ci w przyszłości pomóc, gdy bardzo zatęsknisz za twą planetą. Mogę…

“Oh! Naiintindihan kitang mabuti,” sabi ng munting prinsipe, “pero bakit laging patalinhaga ang pagsasalita mo?”

— Och, bardzo dobrze zrozumiałem — odpowiedział Mały Książę — ale dlaczego mówisz ciągle zagadkami?

“Nalulutas ko ang lahat ng ito,” sinabi ng ahas.

— Rozwiązuję zagadki — rzekła żmija.

At kapwa sila tumahimik.

I oboje umilkli.

XVIII

ROZDZIAŁ 18

Tinawid ng munting prinsipe ang disyerto at wala siyang nasalubong kundi isang bulaklak. Isang bulaklak na may tatlong petal, isang bulaklak na bale-wala…

Przechodząc przez pustynię, Mały Książę spotkał tylko jeden kwiat… Kwiat o trzech płatkach, nędzny kwiat…

“Magandang umaga,” sabi ng munting prinsipe.

— Dzień dobry — powiedział Mały Książę.

“Magandang umaga,” sabi naman ng bulaklak.

— Dzień dobry — odrzekł kwiat.

“Nasa’n ang mga tao?” magalang na tanong ng munting prinsipe.

— Gdzie są ludzie? — grzecznie zapytał Mały Książę.

Minsa’y may nakitang dumaang karaban ang bulaklak:

Kwiat widział kiedyś przechodzącą karawanę.

“Mga tao? Sa palagay ko’y may anim o pito. Kung ilang taon na nang makita ko sila. Pero walang nakaaalam kung saan sila matatagpuan. Tinatangay sila ng hangin. Wala silang ugat kaya labis silang nahihirapan.”

— Ludzie? Jak sądzę istnieje sześciu czy siedmiu ludzi. Widziałem ich przed laty. Lecz nigdy nie wiadomo, gdzie można ich odnaleźć. Wiatr nimi miota. Nie mają korzeni — to im bardzo przeszkadza.

“Paalam,” sabi ng munting prinsipe.

— Do widzenia — rzekł Mały Książę.

“Paalam,” sabi ng bulaklak.

— Do widzenia — odpowiedział kwiat.

XIX

ROZDZIAŁ 19

Umakyat ang munting prinsipe sa isang mataas na bundok. Wala siyang ibang alam na bundok kundi ang tatlong bulkan na abot lang hanggang tuhod. At ginagamit naman niyang upuan ang patay na bulkan. “Sa isang mataas na bundok gaya nito,” sinabi niya sa kanyang sarili, “makikita ko sa isang tingin ang buong planeta at ang lahat ng tao…” Ngunit wala siyang nakita kundi matutulis na taluktok ng bato.

Mały Książę wspiął się aż wysoką górę. Jedynymi górami, które dotychczas znał, były sięgające mu kolan wulkany. Wygasły wulkan służył mu jako krzesełko. „Z tak wysokiej góry jak ta — powiedział sobie — zobaczę od razy całą planetę i wszystkich ludzi…” Lecz nie zobaczył nic poza ostrymi skałami.

“Magandang umaga,” sinabi niya sa pagbabakasakali.

— Dzień dobry — powiedział na wszelki wypadek.

“Magandang umaga… magandang umaga… magandang umaga…” sagot ng eko.

— Dzień dobry… Dzień dobry… Dzień dobry — odpowiedziało echo.

“Sino kayo?” sinabi ng munting prinsipe.

— Kim jesteście? — spytał Mały Książę.

“Sino kayo… sino kayo… sino kayo…” sagot naman ng eko.

— Kim jesteście… Kim jesteście… Kim jesteście… — powtórzyło echo.

“Maging kaibigan ko sana kayo, nag-iisa ako,” sabi niya.

— Bądźcie mymi przyjaciółmi, jestem samotny — powiedział.

“Nag-iisa ako… nag-iisa ako… nag-iisa ako,” sumagot ang eko.

— Jestem samotny… jestem samotny… jestem samotny… — odpowiedziało echo.

“Kataka-takang planeta,” naisip niya. “Tuyung-tuyong lahat at napakatulis at napakaalat.

„Jakaż to zabawna planeta — pomyślał Mały Książę. — zupełnie sucha, spiczasta i słona.

Kulang sa imahinasyon ang mga tao. Inuulit lamang nila ang anumang sabihin sa kanila… Sa lugar ko, meron akong isang bulaklak: lagi siya ang unang nagsasalita…”

A ludziom brak fantazji. Powtarzają to, co im się mówi… Na mojej gwiazdce miałem różę: ona zawsze mówiła pierwsza…”

ХX

ROZDZIAŁ 20

Ngunit nangyari na pagkatapos ng mahabang paglalakbay sa buhangin, bato at isnow, nadiskubre sa wakas ng munting prinsipe ang isang daan. At papunta sa lugar ng mga tao ang lahat ng daan.

W końcu jednak zdarzyło się, że po długiej wędrówce poprzez piaski, skały i śniegi Mały Książę odkrył drogę. A drogi prowadzą zawsze do ludzi.

“Magandang umaga,” sinabi niya.

— Dzień dobry — powiedział.

Isang hardin ito ng mga rosas.

Był w ogrodzie pełnym róż.

“Magandang umaga,” sabi ng mga rosas.

— Dzień dobry — odpowiedziały róże.

Tiningnan sila ng munting prinsipe. Kahawig silang lahat ng kanyang bulaklak.

Mały Książę przyjrzał się im. Bardzo były podobne do jego róży.

“Sino kayo?” nagtatakang tanong niya sa kanila.

— Kim jesteście? — zapytał zdziwiony.

“Mga rosas kami,” sagot ng mga rosas.

— Jesteśmy różami — odparły róże.

“Ah!” sinabi ng munting prinsipe…

— Ach… — westchnął Mały Książę.

At lubhang bumigat ang kanyang loob. Sinabi sa kanya ng kanyang bulaklak na wala nang iba pang bulaklak na tulad niya sa buong sanlibutan. At narito ngayon ang limanlibo na katulad niyang lahat, na nasa iisang hardin lang!

I poczuł się bardzo nieszczęśliwy. Jego róża zapewniała go, że jest jedyna na świecie. A oto tu, w jednym ogrodzie, jest pięć tysięcy podobnych!

“Talaga ngang maiinis s’ya,” sinabi niya sa sarili, “kung makikita lamang n’ya… Uubo s’ya nang katakut-takot at magkukunwaring parang mamamatay upang hindi s’ya mapagtawanan. At kailangan ko ring magkunwaring inaalagaan s’ya dahil kung hindi’y talaga ngang pababayaan n’yang mamatay ang sarili para hiyain din ako…”

„Byłaby bardzo zdenerwowana… — pomyślał — kaszlałaby straszliwie i udawałaby umierającą, aby pokryć zmieszanie. A ja musiałbym udawać, że ją pielęgnuję, bo w przeciwnym razie umarłaby rzeczywiście, aby mnie tym upokorzyć…”

At sinabi pa rin niya sa kanyang sarili: “Akala ko’y mayaman na ako dahil sa isang bukod-tanging bulaklak pero pangkaraniwang rosas lang pala meron ako. Ito at ang tatlo kong bulkan na abot hanggang tuhod ko at siguro’y patay na ngang talaga ang isa, malayo akong maging dakilang prinsipe…”

Później mówił sobie dalej: „Sądziłem, że posiadam jedyny na świecie kwiat, a w rzeczywistości mam zwykłą różę, jak wiele innych. Posiadanie róży i trzech wulkanów sięgających mi do kolan, z których jeden prawdopodobnie wygasł na zawsze, nie czyni ze mnie potężnego księcia…”

At naupo siya sa damuhan, at umiyak.

I zapłakał, leżąc na trawie.

XXI

ROZDZIAŁ 21

Noon lumitaw ang alamid.

Wtedy pojawił się lis.

“Magandang umaga,” sabi ng alamid.

— Dzień dobry — powiedział lis.

“Magandang umaga,” magalang na sagot ng munting prinsipe na lumingon pero walang nakita.

— Dzień dobry — odpowiedział grzecznie Mały Książę i obejrzał się, ale nic nie dostrzegł.

“Narito ako,” sabi ng boses, “sa ilalim ng puno ng mansanas…”

— Jestem tutaj — posłyszał głos — pod jabłonią!

“Sino ka?” sinabi ng munting prinsipe. “Ang ganda mo…”

— Ktoś ty? — spytał Mały Książę. — Jesteś bardzo ładny…

“Isa akong alamid,” sagot ng alamid.

— Jestem lisem — odpowiedział lis.

“Halika, maglaro tayo,” mungkahi ng munting prinsipe. “Labis akong nalulungkot…”

— Chodź pobawić się ze mną — zaproponował Mały Książę. — Jestem taki smutny…

“Hindi ako puwedeng makipaglaro sa ’yo,” sabi ng alamid. “Hindi pa ’ko napaaamo.”

— Nie mogę bawić się z tobą — odparł lis. — Nie jestem oswojony.

“Ah! pasensya ka na,” sabi ng munting prinsipe.

— Ach, przepraszam — powiedział Mały Książę.

Advertisement