1
Panunumpa / The Oath — тагальською та англійською мовами

Тагальсько-англійська книга-білінгва

Hippocrates

Panunumpa

Hippocrates

The Oath

Translation by W.H.S. Jones.

Nananata ako sa ngalan ni Apolo na Manggagamot at ni Asklepios at ni Ihia at ni Panaseya at ng lahat ng diyos at diyosa, sila bilang aking mga saksi, na tutuparin ko ayon sa aking kakayahan at kapasyahan ang panatang ito at ang pangakong ito.

I swear by Apollo Healer, by Asclepius, by Hygieia, by Panacea, and by all the gods and goddesses, making them my witnesses, that I will carry out, according to my ability and judgment, this oath and this indenture.

Igagalang ko ang aking guro sa sining na ito kapantay ng aking mga magulang; gagawin ko siyang kasosyo sa aking hanapbuhay; kapag kailangan niya ng pera ibabahagi ang akin sa kanya; ituturing ang kanyang pamilya bilang mga sarili kong kapatid, at tuturuan sila sa sining na ito, kung gusto nila ng matuto, nang walang bayad o pag-uupa; magpapabatid ng tuntunin, bibigang instruksyon, at lahat ng iba pang instruksiyon sa aking anak, ang mga anak ng aking guro, at sa mga nakakontratang estudyante na nanata na ng panunumpa ng manggagamot, ngunit walang iba.

To hold my teacher in this art equal to my own parents; to make him partner in my livelihood; when he is in need of money to share mine with him; to consider his family as my own brothers, and to teach them this art, if they want to learn it, without fee or indenture; to impart precept, oral instruction, and all other instruction to my own sons, the sons of my teacher, and to indentured pupils who have taken the Healer’s oath, but to nobody else.

Gagamitin ko ang paggamot upang tulungan ang maysakit ayon sa aking abilidad at pasya, ngunit hindi kailanman na may pananaw sa pinsala at kasamaan.

I will use those dietary regimens which will benefit my patients according to my greatest ability and judgment, and I will do no harm or injustice to them.

Hindi rin ako magpapalason sa kahit sino kapag pinapagawa ito sa akin ni magmumungkahi ng ganoong paraan. Katulad nito hindi ako magbibigay ng supositoryo sa babae para magpalaglag. Ngunit ipapanatili kong malinis at banal ang aking buhay at aking sining.

Neither will I administer a poison to anybody when asked to do so, nor will I suggest such a course. Similarly I will not give to a woman a pessary to cause abortion. But I will keep pure and holy both my life and my art.

Hindi ko gagamitin ang kutsilyo, kahit na, sigurado, sa mga nahihirapan sa bato, ngunit magbibigay-daan ako sa gayong mga bihasang manggagawa roon.

I will not use the knife, not even, verily, on sufferers from stone, but I will give place to such as are craftsmen therein.

Sa saanmang papasukan kong bahay, papasok ako upang tulungan ang maysakit, at iiwasan ko ang lahat ng sadyang kasamaan at hamak, lalo na mula sa pag-aabuso ng katawan ng lalaki o babae, tali o malaya.

Into whatsoever houses I enter, I will enter to help the sick, and I will abstain from all intentional wrong-doing and harm, especially from abusing the bodies of man or woman, bond or free.

At sinuman ang makikita o maririnig ko sa landas ng aking katungkulan, pati na rin sa labas ng aking katungkulan sa aking pakikipag-ugnayan sa mga tao, kung ito ay hindi dapat ianunsyo sa ibang lugar, hindi ko kailanman ipapahayag, paghawak sa mga ganito bilang banal na lihim.

And whatsoever I shall see or hear in the course of my profession, as well as outside my profession in my intercourse with men, if it be what should not be published abroad, I will never divulge, holding such things to be holy secrets.

Kung isasakatuparan ko itong panunumpa ngayon, at hindi sisirain, matamuhin ko sana magpakailanman ang reputasyon sa lahat ng tao para sa aking buhay at para sa aking sining; ngunit kung sirain ko ito at talikuran ang aking sarili, mangyari sana ang kabaligtaran sa akin.

Now if I carry out this oath, and break it not, may I gain for ever reputation among all men for my life and for my art; but if I break it and forswear myself, may the opposite befall me.

Реклама