1
Pokreta za medjunarodni jezik esperanto / Ang Manifesto sa Praga — in Croatian and Tagalog

Croatian-Tagalog bilingual book

Pokreta za medjunarodni jezik esperanto

Ang Manifesto sa Praga

Mi, članovi svjetskog pokreta za unapredjenje esperanta, upućujemo ovaj manifest svim vladama, medjunarodnim organizacijama i ljudima dobre volje, objavljujemo naše nastojanje da svim snagama nastavimo djelovati na ovdje izraženim ciljevima, te pozivamo sve organizacije i pojedince, da se priključe našim nastojanjima.

Kami, mga kaanib ng pandaigdigang kilusan para sa pagpapaunlad ng wikang Esperanto, ay tumatawag ng pansin sa lahat ng mga pamahalaan, mga pandaigdigang kapisanan at mga taong may pagnanais sa pakikipagkapwa, sa pagpapahayag namin ng mataimtim na mga layuning nakatala dito; at hinihikayat namin ang lahat ng mga samahan at bukod na tao na sumapi sa amin sa pagtataguyod ng mga alituntuning ito.

Lansiran 1887 godine kao projekt pomoćnog jezika za medjunarodno komuniciranje, esperanto se ubrzo razvio u živi jezik sa bogatim nijansama. Već više od jednog stoljeća on je u funkciji povezivanja ljudi i premoštavanja jezičnih i kulturnih prepreka. U tom vremenu ciljevi onih koji se njime koriste, nisu izgubili na svojoj važnosti i aktualnosti. Ni upotrebe nekih nacionalnih jezika diljem svijeta, ni napredak u tehnici komuniciranja, ni otkriće novih metoda jezične nastave neće zasigurno ostvariti one principe koje mi smatramo bitnima za pravedno i efikasno rješenje jezičnog poretka.

May mahigit na isang daang taon na nang ang wikang Esperanto, na binigyang simula noong 1887 bilang palatuntunan ng wikang pantulong para sa pandaigdigang komunikasyon at daglian namang umunlad na maging isang hitik at buhay na wika sa kanyang sariling paninindigan, ay nagbigay daan sa pagkakaisa ng mga tao sa kabila ng hadlang ng ibat-ibang wika at kaugalian. Ang mga hangaring pumukaw sa mga gumagamit ng wikang Esperanto ay mahalaga at kapakipakinabang pa rin hanggang sa panahong ito. Ang pandaigdigang paggamit ng ilang pambansang wika, o ang paglago ng mga teknolohiya ng komunikasyon, o maging ang pagkatha ng makabagong pamamaraan ng pagtuturo ng mga wika ay malamang na hindi magbunga ng makatarungan at mabisang wikang batay sa mga simulaing sumusunod na sa loob namin ay mga pangunahing bagay.

1. Demokracija

1. Demokrasya

Sistem komunikacija, koji je cijelog života privilegija samo nekih ljudi, dok od onih drugih zahtjeva da ulože godine truda da bi postigli niži stupanj sposobnosti — u osnovi je nedemokratski. Iako esperanto, kao i svaki jezik, nije perfektan, on daleko nadmašuje sve druge na području ravnopravne svjetske komunikacije.

Ano man ang sistema ng komunikasyon na nag-kakaloob ng habang-buhay na pribilehiyo sa iba, samantalang kinakailangan naman na ang iba pa ay magbigay ng mahabang panahon upang matutuhan ang kahit mababang kakayanan lamang ay maituturing na hindi maka-demokrasya. Kahit ang Esperanto, tulad din ng ibang wika, ay hindi ganap, dinadaig nito ang ibang wika bilang isang tumbas na komunikasyong pandaigdigan.

Tvrdimo da jezična nejednakost uzrokuje komunikacijske nejednakosti na svim nivoima, uključivši i medjunarodni nivo. Mi smo pokret za demokraciju u komuniciranju.

Malakas ang aming paniniwala na sa dahilang hindi tumbas ang ibat-ibang mga wika ito ay nagbibigay daan sa hindi rin tumbas na pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang baytang ng komunikasyon, pati na ang pandaigdigan. Kami ay kilusan para sa maka-demokratikong komunikasyon.

2. Transnacionalni odgoj

2. Pandaigdigang pagtuturo

Svaki nacionalni jezik vezan je za odredjenu kulturu i narodnost. Naprimjer, učenik koji uči engleski, uči o kulturi, zemljopisu i politici englesko-jezičnih zemalja, naročito SAD-a i Velike Britanije. Učenik koji uči esperanto, uči o svijetu bez granica, u kojemu se svaka zemlja predstavlja kao vlastiti dom.

Lahat na wikang taal sa ibat-ibang pangkat ng mga tao ay nakatali sa mga kaugalian at sa mga bansa. Halimbawa, ang isang batang natututo ng wikang Ingles ay natututo rin ng kaugalian, heograpiya at mga sistemang pampulitika ng mga bansang Ingles ang salita, tulad ng Amerika at Inglatera. Samantala, ang isang batang natututo ng Esperanto ay natututo ng isang daigdig na walang hangganan.

Tvrdimo da je odgoj posredstvom bilo kojeg nacionalnog jezika vezan uz odredjeni nazor o svijetu. Mi smo pokret za transnacionalni odgoj.

Paniwala namin na ang pagtuturo ng anumang wika ay nakasalalay sa anumang pagtingin sa mundo ng nagtuturo. Kami ay kilusan para sa pandaigdigang pagtuturo.

3. Pedagoško djelovanje

3. Mabisang pagtuturo

Samo mali postotak onih koji uče neki strani jezik, njime i vlada. Potpuno ovladavanje esperantom moguće je i samoučenjem. Razne studije izvještavaju o prednaobrazbenim učincima kod učenja drugih jezika. Esperanto se takodjer preporuča kao osnovni ključ u tečajevima za jezično usmjerenje učenika.

Maliit na porsiyento lamang ng mga estudyanteng nag-aaral ng mga salitang banyaga ang nagiging tunay na matatas sa wikang ninanais. Sa Esperanto, ang pagiging matatas ay maaaring makamit kahit sa pambahay na pag-aaral lamang. Ipinakita ng ilang pagsusuri na ang Esperanto ay makabuluhan bilang paghahanda sa pag-aaral ng ibang wika. Ipinapayo rin na ito ang maging ubod na sangkap sa mga kursong ukol sa kaalaman ng ibat-ibang wika.

Tvrdimo da će teškoće nacionalnih jezika uvijek pretpostavljati prepreku za mnoge učenike koji bi se ipak trebali okoristiti poznavanjem drugog jezika. Mi smo pokret za učinkovitu jezičnu nastavu.

Naniniwala kami na ang mga kahirapang hinaharap sa pag-aaral ng ibat-ibang taal na wika ay palaging magiging hadlang para sa maraming estudyante na tiyak namang makikinabang sa karunungan ng pangalawa o pantulong na wika. Kami ay kilusan para sa mabisang panunuto ng wika.

4. Višejezičnost

4. Multilingualismo

Esperantska zajednica jedna je od malog broja jezičnih zajednica na svjetskoj razini, čiji su korisnici bez iznimke dvo- ili višejezični. Svaki pripadnik zajednice prihvatio je dužnost da nauči barem jedan strani jezik do govornog stupnja. U mnogim slučajevima to dovodi do znanja i ljubavi za više jezika i općenito do širokog osobnog vidokruga.

Ang pagkakaisa ng Esperanto ay bukod-tanging pandaigdigang pagkakaisa na ang mga miyembro ay pangkalahatang dalawa o ilan ang nalalamang wika. Bawat miyembro ng samahan ay nagsikap na matuto ng salitang banyaga hanggang sa baytang na maging matatas makipagpanayam. Sa maraming pangyayari ito ay humantong sa pagmamahal at kaalaman ng ilan pang ibang mga wika at sa mas malawak na pang-uunawa ng mga bagay-bagay sa mundo.

Tvrdimo da bi pripadnici svih jezika, velikih i malih, trebali dobiti stvarnu priliku za usvajanje drugog jezika do visokog stupnja komunikacije. Mi smo pokret za pružanje takve prilike.

Aming paniwala na ang mga nagsasalita ng lahat ng ibat-ibang wika, marami man o kakaunti, ay dapat magkaroon ng pagkakataong matuto ng pangalawang wika hanggang sa baytang ng pakikipagpanayam. Kami ay kilusang nagbibigay ng ganoong pagkakataon para sa lahat.

5. Jezična prava

5. Mga karapatan sa wika

Nejednaka raspodjela moći medju jezicima je recept za stalnu jezičnu nesigurnost, ili izravnu jezičnu potlačenost, kod velikog broja stanovnika svijeta. U esperantskoj zajednici pripadnici velikih ili malih naroda, službenih ili neslužbenih, sastaju se na neutralnom terenu zahvaljujući medjusobnoj volji za kompromisom. Takva ravnoteža izmedju jezičnih prava i odgovornosti pruža presedan za razvijanje i prosudbu drugih rješenja kod jezičnih nejednakosti i jezičnih sporova.

Ang hindi pare-parehong pamamahagi ng kapangyarihan sa ibat-ibang mga wika ay isang sangkap na bumubuo ng palagiang wikang ’di tiwasay, o ng tahasang pang-aapi ng ibang wika buhat sa mga mas nakararaming populasyon sa mundo. Sa pagkakaisa ng Esperanto ang mga nagsasalita ng ibat-ibang wika, marami man o kakaunti, opisyal man o hindi ay nagpapanayam sa loob ng tumbas na mga tadhana sa pamamagitan ng magkatuwang na kagustuhan ng magkabilang panig na mag-bigayan. Itong pagkakatimbang-timbang na mga karapatan at pagtitiwalaan ay nagbibigay ng batayan sa pag-kakatha at pag-susuri ng mga maaaring kalutasan sa ’di pagkakatumbas-tumbas at sa ’di pagkakauwaro ng mga wika.

Tvrdimo da ogromne razlike u stupnjevima moći medju jezicima potkapaju garancije izražene u tolikim medjunarodnim dokumentima o istovjetnom tretiranju bez obzira na jezik. Mi smo pokret za jezična prava.

Mahigpit na paniwala namin na ang mga malalawak na pag-iiba-iba sa kapangyarihan ng mga wika ay siyang nag-papahina ng mga garantiya, nakasaad sa maraming nakasulat na pandaigdigang kasangkapan, para sa pantay-pantay na pakikitungo ng kapwa tao, kahit ano ang kanilang wika. Kami ay kilusan para sa karapatan ng wika.

6. Jezična raznolikost

6. Ang pagkakaibat-iba ng mga wika

Pojedine vlade sklone su razmatrati velike jezične razlike u svijetu kao zapreku u komuniciranju i razvoju. Za esperantsku zajednicu raznolikost jezika je stalan i neophodan izvor bogatsva. Prema tome, svaki jezik kao i svaka životna vrata, vrijedan je već zbog sebe samog i zaslužuje zaštitu i podršku.

Itinuturing na hadlang sa komunikasyon at pag-unlad ng mga pambansang pamahalaan ang malawak na pagkakaibat-iba ng mga wika. Ngunit sa samahan ng Esperanto ang pagkakaibat-iba ng mga wika ay siya namang palagi at ganap na kailangan sa pagpapayaman ng karunungan ng isang tao. Ng dahil doon bawat wika, tulad din bawat nilalang, ay karapatdapat bigyan ng pagsasanggalang at tangkilik.

Tvrdimo da politika komukacije i razvoja, ako se ne temelji na poštovanju i podršci svih jezika, osudjuje na izumiranje većinu jezika u svijetu. Mi smo pokret za jezičnu raznolikost.

Lubos na paniwala namin na ang mga patakaran sa komunikasyon at pag-papaunlad na hindi nakasalalay sa paggalang at pagtangkilik sa lahat ng wika ay hatol na kamatayan sa maraming wika ng sandaigdigan. Kami ay kilusan para sa pagkakaibat-iba ng mga wika.

7. Jednakopravnost ljudi

7. Pagpapalaya ng sangkatauhan

Svaki jezik istodobno oslobadja i sputava svoje korisnike pružajući im mogućnost medjusobnog komuniciranja, a ogradjujući komunikaciju sa drugima. Planiran kao opće sredstvo za komunikaciju, esperanto je jedan od velikih već dokazanih funkcionirajućih projekata ljudske jednakopravnosti — projekt koji omogućava svakom čovjeku da kao pojedinac djeluje u ljudskoj zajednici ostajući korjenito vezan za svoju lokalnu kulturnu i jezičnu samosvojnost, a ne ograničen njome.

Ang bawat wika ay nagpapalaya at maari din namang mag-kulong sa gumagamit nito, samantalang nagbibigay ng kakayanan sa kanila na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga sarili ay nagbibigay din namang hadlang na makipag-uganayan sila sa ibang mga tao. Sapagka’t ang Esperanto ay sinadyang maging maginhawang gamitin ng sinuman sa madla bilang paraan ng pakikipag-ugnayan, ito ay isa sa mga dakilang proyektong may bisa para sa kalayaan ng sangkatauhan — nagbibigay laya sa bawat tao na makisali sa pagkakaisa ng sangkatauhan, matatag na nakaugat sa kanyang sariling kaugalian at wika, ngunit hindi naman hinahangganan noon.

Tvrdimo da isključiva upotreba nacionalnih jezika postavlja prepreke slobodama samoizražavanja, komunikaciji i udruživanju. Mi smo pokret za jednokopravnost ljudi.

Iginigiit namin na ang pagsandig sa tanging wika pambansa lamang manapay lumilikha ng mga hadlang sa kalayaan ng pagsasaysay ng mga sariling paniniwala, komunikasyon at mga pag-sasamahan. Kami ay kilusan ng pagpapalaya ng sangkatauhan.

Prago, jul. 1996

Prago, jul. 1996

Advertisement